Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ngayong Pasko Huwag Sumuko, Tumingin sa ItaasHalimbawa

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

ARAW 5 NG 6

Paano Nagtiwala Si Jose sa Kanyang Mga Kabiguan

Isipin na ikaw ay nasa sitwasyon ni Jose. Ikaw ay naghahanda upang magpakasal sa iyong nobya—kung saan hindi ka naging masyadong malapit na pisikal—ipinahayag na siya ay nagdadalang-tao at sinasabi na ang Diyos ang ama.

Maiintindihan mo ang sakit. Maiintindihan mo ang kabiguan. Nadama ni Jose na ang kanyang tanging paraan ay ang umalis sa relasyon. Ito ay tiyak na isa sa mga pinaka-madilim na araw ni Jose.

Pero anong hula mo? Ito rin ang kanyang pinakamaliwanag.

Ang iyong pinakamalalim at malapit na karanasan ng pagsamba ay maaaring mangyari sa iyong madidilim na panahon: kapag ang iyong puso ay wasak, kapag pakiramdam mo ay pinabayaan ka, kapag ikaw ay wala ng pagpipilian, kapag ang sakit ay matindi—at kapag ikaw ay bumaling sa Diyos.

Dahil ang Diyos ay dumarating—sa bawat pagkakataon.

Marahil ngayong Kapaskuhan ikaw ay nasa isang mahirap na sitwasyon na tila hindi matatakasan.

Gawin ang ginawa ni Jose, at palitan ang iyong pagtuon.

Maaaring dalhin ng Diyos si Jesus sa mundong ito nang wala si Jose. Maaring may ibang asawang ibigay ang Diyos para kay Maria. Ngunit pinili ng Diyos si Jose na maging bahagi ng dakilang kuwenJoseto na naisalaysay.

Malaki ang pagbabago sa plano ni Jose nang baguhin niya ang kanyang pagtuon. Nakita niya ang isang anghel na nagpahayag ng plano ng Diyos sa panaginip. Sinasabi ng Mateo 1:20, “Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, ‘Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo’” (RTPV05).

Sa halip na magtuon sa kanyang problema, isinaalang-alang ni Jose ang plano ng Diyos at ginawa ang sinabi ng anghel sa kanya.

Ang kasaysayan ay hindi na naging pareho mula noon. Ang ating buhay ay hindi na naging pareho.

Katulad ni Jose, maaring pakiramdam mo na hindi ka rin makausad. Hindi mo makita ang daan palabas. Ngunit hindi ka pababayaan ng Diyos sa iyong kabiguan at sa iyong kawalan ng pag-asa. Tumuon sa plano ng Diyos. Makinig sa kung ano ang sasabihin niya tungkol sa iyong sitwasyon.

At magtiwala sa kanya na sundin ito.

Ang mga pangako sa Biblia, “Tumiwala ka sa Panginoon ng ng buong puso mo at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas” (Mga Kawikaan 3:5-6 TLAB).

Piliing magtiwala sa Diyos sa iyong mga kabiguan sa Kapaskuhang ito.

Pag-usapan natin ito

  • Ano ang pinaka-nakakagulat sa iyo tungkol sa reaksyon ni Jose sa pagdadalang-tao ni Maria?
  • Ano ang pinakamalaking kabiguan ang kinakaharap mo ngayon?
  • May pumipigil ba na magtiwala ka sa Diyos sa iyong mga kabiguan ngayon?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

Narinig na nating lahat ang pariralang ito, “Ang mga bagay ay talagang bumubuti.” Ibig sabihin bumubuti ang mga bagay. Sinasabi sa atin ng Biblia na magiging mabuti ang mga bagay kung magsisimula tayong tumingin sa itaas. Alisin mo ang iyong mga mata sa kalagayan mo at ituon sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Rick Warren/Daily Hope para sa babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://pastorrick.com