Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ngayong Pasko Huwag Sumuko, Tumingin sa ItaasHalimbawa

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

ARAW 3 NG 6

Pangako ng Diyos sa Iyong Kirot 

Madalas mayroon tayong isang huwaran at mala-romatikong larawan ng mga araw bago ang unang Pasko.

Nakikita natin ang mga Christmas card at belen, at pinapalagay natin na ang mga araw na iyon ay walang stress. Ngunit malayo iyon sa tunay na naramdaman ng mga tao na naroon noong unang Pasko.

Ang pinaka-unang Pasko ay hindi nagsimula bilang isang masayang panahon para sa lahat. Ang balita na si Jesus ay darating ay nagdulot ng alalahanin sa maraming tao.

  • Si Maria ay nalilito at nag-aalala. Isang anghel ay nagsabi sa kanya na isisilang niya ang Anak ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanyang pakikipagtipan kay Jose.Tila madilim ang kanyang hinaharap.
  • Si Jose ay nasasaktan at durog ang puso. Sinabi ng kanyang nobya na siya ay nagdadalang-tao. Pakiramdam niya siya ay sinaktan at niloko.
  • Ang mga pastol ay natakot. Nakakita sila ng isang maliwanag na ilaw at pinanood ang mga anghel na lumitaw mula sa kung saan.
  • Ang mga pantas ay pagod na pagod. Sila ay naglakbay nang malayo upang makarating kay Jesus. Handa na silang magpahinga.

Maaaring nakakaramdam ka ng stress sa Paskong ito. Maaring makaramdam ka ng pagkalito, kirot, pagkatakot, o pagkapagod lamang.

Ano ang sinasabi sa iyo ng kuwentong ito ng Pasko?

Sa mga susunod na ilang debosyonal, mas lalaliman ko kung paano ang bawat isang pagunahing mga tauhan sa kuwento ng Pasko ay tumugon sa sakit na kanilang naramdaman—at kung paano binago ng Diyos ang lahat para sa kanila bilang tugon.

Ngunit lahat sila ay mayroong pagkakatulad: Bumaling sila sa Diyos.

Sinasabi ng Biblia, “Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos. Siya'y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig; laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.” (Joel 2:13 RTPV05).

Anuman ang iyong pinagdaraanan, mahal ka ng Diyos. Kapag bumaling ka sa Diyos, hindi ka niya tatalikuran.

Sa pinakaunang Pasko na iyon, ang bawat isa sa mga taong ito ay bumaling sa Diyos. Lahat sila ay tumingin sa kanya upang katagpuin ang kanilang pinakamalaking pangangailangan.

Ang Diyos ay naroon para kay Maria, Jose, mga pastol, at ang mga pantas.

Nariyan din siya para sa iyo.

Pag-usapan ito

  • Sa sandaling ito, alin sa mga taong ito na inilarawan sa itaas ang naiuugnay mo sa iyong sarili, at bakit?
  • Ano ang pumipigil sa iyo na bumaling sa Diyos sa kabila ng mga problemang kinakaharap mo?
  • Paano mo matutulungan ang ibang taong nasasaktan ngayong kapaskuhan?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

Narinig na nating lahat ang pariralang ito, “Ang mga bagay ay talagang bumubuti.” Ibig sabihin bumubuti ang mga bagay. Sinasabi sa atin ng Biblia na magiging mabuti ang mga bagay kung magsisimula tayong tumingin sa itaas. Alisin mo ang iyong mga mata sa kalagayan mo at ituon sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Rick Warren/Daily Hope para sa babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://pastorrick.com