Ang Pagod na Mundo ay Nagdiriwang: Isang 2020 Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

Araw 2: Maria
Si Maria ay may karapatang matakot.
Siya ay bata pa, itinakdang ikasal, at ngayon sinabihang siya'y buntis. At higit sa lahat, ang balita ay inihatid ng isang anghel. Alam mo na, ang mga espirituwal na mga nilalang ay nakakatakot para sa mga tao.
Habang nagpoproseso si Maria sa kanyang natanggap na balita, maiisip lang natin kung ano kayang tumatakbo sa kanyang isipan. Itakwil kaya siya ng kanyang pamilya? Ang mga taumbayan kaya ay gumawa ng kani-kanilang mga palagay at chismis? Maniniwala kaya si Jose sa lahat ng ito? Tanggihan kaya siya? Pintasan? O mas malala pa?
Pero ang pinili ni Mariang isipin ay hindi ang takot kundi ang pananampalataya: “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” (Lk. 1:38). Kalaunan, nang bumisita si Maria sa kanyang pinsan na si Elisabet, sinabi ni Elisabet kay Maria: “Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon” (v. 45).
Ang ganda sana sabihin na ang karaniwang tugon natin sa takot lagi ay ang tugon ni Maria: isang awit ng pagpupuri at pag-asa. Pero magpakatotoo tayo. Ang takot ay gumagapang papasok sa ating isipan at kaluluwa tulad ng isang madilim na ulap na dahan-dahang dumarating bago bumagyo. Paano ka ba tumutugon? Umuurong? Humihiwalay?Hinahawaka ang takot sa iyong dibdib at umiikot sa walang katapusang ”paano kung"?
Tingnan natin ang tugon ni Maria. Pagkatapos niyang bumisita kay Elisabet, kanyang ibinaling ang kanyang atensyon sa Diyos sa isang kanta na kilala bilang Magnificat (na ang ibig sabihin ay “ang aking kaluluwa ay nagpupuri sa Panginoon”). May iilang bagay sa kantang ito na makakatulong habang ikaw ay naghahanap ng saligan ng pag-asa sa tuwing ang takot ay umiikot sa'yo:
- Si Maria ay nagsimula sa pagpupuri. Ang buong kanta ay tungkol sa pag-awit ng kaluwalhatian ng Diyos, at kahit na marahil ay may maraming mga katanungan si Maria kung ano ang ibig sabihin nang pagpapanganak niya sa Tagapagligtas ng mundo, siya ay nagsimula sa pagdiriwang sa halip na pag-aalala.
- Natandaan ni Maria ang bahagi niya sa kuwento ng Diyos. Sa bersikulo 48, sinabi ni Maria: “Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad.” Alam ni Maria na ang Diyos ang may kontrol; Siya ang gumawa at nagbibigay lakas sa kanya. Siya ay Kanyang likha, at ang paalalang iyon ang tumulong kay Maria upang tumuon sa katotohanan kung sino siya at kung sino ang Diyos. Siya ay pinaalalahanang ang kanyang bahagi ng kuwento ay hindi ang katapusan ng istorya.
- Naalala ni Maria ang kabaitan at katarungan ng Diyos. Hindi lang inisip ni Maria ang mga biyaya ng Diyos o ang Kanyang mga pangako sa Israel; inisip niya rin kung papaano gagawing tama ulit ng Diyos ang mga mali (vv. 51-53).
Tinanggal ni Maria ang takot gamit ang pagpupuri. Kanyang naisantabi ang kawalan ng kapanatagan gamit ang katotohanan kung sino ang Diyos, habang inaalala ang kanyang papel sa kuwento ng Diyos. At hindi niya pinili ang pananaw ng pagtanggi o chismis, habang inaalala na siya ay nagsisilbi sa Diyos ng katarungan.
At dahil diyan, si Maria ay may pag-asa. Ikaw din ay mayroon.
Mga Tanong para sa Pagninilay:
- Kailan ka ba nakaramdam ng sobrang takot? Paano ka tumugon?
- Anong mga damdamin sa tingin mo ang naramdaman ni Maria nang inihatid ng anghel ang balita?
- Paano makakatulong sa'yo ang pagtugon ni Maria sa balita ng Diyos ngayong Pasko?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang panahon ng Adbiyento ay karaniwang nagdadala ng kagalakan at ng mga awit ng Pasko, pero siguro ang taong ito ay naging mahirap para sa iyo. Sa 5-araw na gabay na ito, matutuklasan mo kung paano tumugon sa Diyos ang mga taong nasa belen sa kabila ng kanilang mga sitwasyon at kung papaano magbibigay pag-asa ang kanilang mga kuwento sa'yo.
More