Ang Pagod na Mundo ay Nagdiriwang: Isang 2020 Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

Panimula: Isang Kakaibang Panahon
Isang kilalang awit ng Pasko, “O Holy Night,” ay may liriko na maaring umalingawngaw sa isipan mo ngayong taon: “A thrill of hope! The weary world rejoices.”
Habang pasimula na ang panahon ng Adbiyento, nakakaramdam ka na ba ng pagod? Hindi ka nag-iisa.
Maaari mong sabihin na ang pagiging pagod at patang-pata ay katanggap-tanggap sa pagsalubong ng Adbiyento. Dahil ang Adbiyento ay narito para ipaalaala sa atin na kahit napapaligiran tayo ng kadiliman at may kaguluhan, ang pag-asa ng Pasko ay hindi malayong makamtan.
Maaaring mukha siyang malayo. Maaaring imposible nga na makaramdam ka ng pag-asa sa taong ito. Maaaring ikaw ay nawalan ng trabaho. O baka nararamdaman mo na ikaw ay nahihiwalay mula sa mga mahal sa buhay. Maaari mo ring ikinalulungkot ang pagkawala ng isang miyembro ng pamilya o ng isang kaibigan.
Sa pagtingin mo sa iyong paligid, maaaring ang makita mo lang ngayon ay puro kadiliman. Kung subukan mong ayusin ang iyong mga paningin, habang ikinukurap ito sa gabi, parang walang ilaw. Ang kabigatan ng sakit, kamatayan, kawalan ng katarungan at kirot ay parang masyado nang mabigat.
O baka naman masyado ka lang pagod. Manhid. Handang takpan ang iyong ulo at subukan ang ligaya ng Pasko sa susunod na taon na lang. Huwag makaramdam ng pagkakasala. Sa halip, kilalanin ang tunay na kadiliman ng mundong ito at makikita mo ang Adbiyento sa parehong pananaw ng mga taong naghintay sa Mesiyas libu-libong taon ang nakaraan.
500 taon ang nakalipas mula sa kanilang huling propeta, si Malakias, ang bayan ng Israel ay hindi nakarinig ng anumang balita mula sa Diyos tungkol sa kanilang manunubos. Marahil ang piniling bayan ng Diyos ay nagsusumigaw sa Kanya, nagtatanong kung gaano pa katagal darating ang kanilang pag-asa at kaligtasan. Napakadilim, at ang Diyos ay tahimik. Ganyan ba Siya para sa'yo ngayong taon?
Bagama't maaaring naramdaman nga nila na nasa malayo ang Diyos, ang katunayan ay malapit Siya sa kanila nang higit sa inaakala nila— banayad na nagpaplano sa pagdating ni Jesus dito sa mundo sa isang di inaasahang paraan.
Sa mga susunod na apat na araw, ating pag-aaralan ang apat na pananaw ng mga taong nandoon sa belen. Sa pagbasa mo sa kanilang mga kuwento, tuklasin kung anong matututunan mo galing sa mga tugon nila sa Diyos sa gitna ng kamangha-mangha pero kakaiba at nakakatakot na mga pangyayari.
Mga Katanungan para sa Pagninilay:
- Paano naiiba ang panahon ng Adbiyento ngayon kung ihahambing sa mga taong nakaraan?
- Nahihirapan ka bang maging matiyaga sa paghihintay mo sa mga pangako ng Diyos? Bakit o bakit hindi?
- Sinu-sinong mga tauhan ang pumapasok sa isipan mo tuwing nakikita mo ang belen?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang panahon ng Adbiyento ay karaniwang nagdadala ng kagalakan at ng mga awit ng Pasko, pero siguro ang taong ito ay naging mahirap para sa iyo. Sa 5-araw na gabay na ito, matutuklasan mo kung paano tumugon sa Diyos ang mga taong nasa belen sa kabila ng kanilang mga sitwasyon at kung papaano magbibigay pag-asa ang kanilang mga kuwento sa'yo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Pagsasalitang Nagbibigay-buhay

Maglaan ng Lugar para sa kung Ano ang Mahalaga: 5 Espirituwal na mga Gawi para sa Kuwaresma

Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong Isipan

7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa Adbiyento

Buhay Si Jesus!

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
