Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdinig Mula sa Diyos Tuwing UmagaHalimbawa

Hearing From God Each Morning

ARAW 2 NG 14

Ang Tulong ay Narito na



Maraming tao ang tinanggap si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon nila. Aakyat sila sa langit, ngunit hindi nila kailanman mailalabas ang buong kakayahan ng Banal na Espiritu na mayroon sila o mararanasan ang tunay na tagumpay na nais ng Diyos na tamasahin nila dito sa mundo. Sa simpleng pananalita, marami ang patungo sa langit, ngunit hindi sila malulugod sa kanilang paglalakbay.



Madalas nating tinitingnan ang may taglay na kayamanan, posisyon, kapangyarihan at itinuturing natin silang "matagumpay." Ngunit maraming taong itinuturing na tagumpay ngunit kulang sa kapayapaan, kaligayahan, pagkakontento, at iba pang tunay na pagpapala. Ang mga taong ito ay hindi natutunang umasa nang lubos sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.



Ang mga taong may sariling kakayahan ay madalas na iniisip na isang tanda ng kahinaan ang pag-asa sa Diyos. Ngunit ang katotohanan ay sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kakayahan ng Banal na Espiritu, mas maraming magaganap sa buhay nila kaysa sa kung sila ay gagawa sa sarili nilang kalakasan.



Nilikha tayo ng Diyos sa paraang bagaman at mayroon tayong mga kalakasan, may mga kahinaan din tayo at kakailanganin ang Kanyang tulong. Batid natin na nais Niya tayong tulungan sapagkat ipinadala Niya ang Dakilang Taga-tulong, ang Banal na Espiritu, na nananahan sa kaloob-looban natin.



Madalas tayong nagsusumikap nang hindi naman kailangan sapagkat hindi natin tinatanggap ang tulong na nariyan para sa atin. Hinihimok kitang umasa sa Kanya, hindi sa iyong kalakasan. Anuman ang iyong kinakaharap, hindi mo kailangang daanan ito nang nag-iisa.



Ang Salita ng Diyos para sa iyo ngayong araw na ito: Ang pinakamasamang araw mong kasama ang Diyos ay mas mabuti pa rin kaysa sa pinakamagandang araw mo na hindi Siya kasama. Ang Banal na Espiritu ay naririto upang mangusap sa iyo at tulungan ka sa lahat ng kaparaanang kinakailangan mo ngayon.



Mula sa aklat na "Hearing from God Each Morning" ni Joyce Meyer. Copyright 2010 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing From God Each Morning

Sa mundong ginagalawan natin ngayon, napapalibutan tayo ng ingay. Natatabunan tayo ng mga tinig sa paligid natin - ang ating mga anak, mga kaibigan, asawa, at maging ang sarili natin. Dahil naguguluhan tayo sa mga tunog ...

More

We would like to thank Joyce Meyer Ministries for providing this reading plan. For more information, please visit: www.joycemeyer.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya