Ang Nilalayong Gawain ng Ebanghelyo sa Krisis ng Covid-19Halimbawa

Hindi ko alam sa iyo, pero hanggang ngayon, ang pagkaunawa ko sa Mga Taga-Filipos 4:6 at 4:8 ay hiwalay, walang kaugnayang mga utos sa isa't-isa. Ngunit tulad ng nakikita natin ngayon sa Banal na Kasulatan, sila ay magkaugnay, hinihiwalay lamang ng bersikulo 7. Dahil ba bahagi ng solusyon ng ating pagkabalisa ay nakikita sa mga pinipili nating isipin?
Kung pagbabatayab ang sentido komun at sama-samang karanasan sa pagtatrabaho sa gitna ng COVID-19 na krisis, naniniwala ako na ang sagot sa retorikal na tanong ay isang umaalingawngaw na “oo.” Inuutusan tayo ni Pablo na kontrolin ang ating mga iniisipupang mapalaya tayo ng Panginoon sa ating pagkabalisa.
Ang mga nangyayari ngayon ay nagbibigay ng makabagbag-damdaming testimonya sa katotohanang ito.
Ang mga balita ngayon ay hindi maganda at hindi kahanga-hanga. Lubhang malayo pa ito. Ang mga ulo ng balita ngayon ay puno ng takot at pagkabalisa.
Siyempre, kailangan nating malaman ang tungkol sa mga kritikal na mga pangyayari sa ating mga pamayanan kung saan tayo ay naroon at sa mga industriyang pinagtatrabahuan natin. Ngunit hindi ito nangangahulugang tayo ay dapat nagbabasa, nanonood, o nakikinig sa balita nang walang katapusan.
Kung makikinig ka sa aking podcast, The Call to Mastery, maaaring narinig mo akong nagsasalita tungkol sa katotohanan na wala akong binabasa, pinapanood o pinapakinggan na balita: Walang cnn.com, walang Twitter, walang diyaryo, walang MSNBC o Fox News. Wala lahat.
Ngunit para sa maliwanag na dahilan, ako ay tumitingin na sa mga website ng balita para sa impormasyon tungkol sa mga direktiba ng social distancing, pagsasarado ng mga paaralan, at iba pa. Ang mga impormasyong ito ay napakahalaga sa aking buhay at trabaho.
Ngunit sa aking paghahanap ng importanteng impormasyon, napatuon ako sa mga pinakabagong balita, tinitingnan ang mga ulo ng balita mula sa mga nakakatawa (“Hulk Hogan: ‘Baka hindi natin kailangan ng bakuna’”) hanggang sa mga nakakatakot (“Dami ng Mga Namatay sa US umaabot ng 10,000”). Siyempre, ang mga balitang ito (habang medyo nakakaaliw at nagbibigay kaalaman) ay wala naman talagang epekto sa aking buhay at trabaho.
Pagkatapos ng ilang araw ng aking pagbabalik sa regular na pagkonsumo ng balita, dumanas ako ng isang antas ng pagkabalisa na hindi ko naramdaman noon. Pagkatapos kong magnilay sa mga bersikulo na nakasulat sa itaas, naging malinaw sa akin kung ano ang salarin. Sa halip na dagdagan ang mga Salita ng Diyos sa aking isipan at mga paalala ng Kanyang mga pangako, iniisip ko ang mga hindi makabuluhan at nakakabalisang mga balita.
Maaaring ikaw at ako ang mga taong lalapitan ng ating mga balisang katrabaho at mga kaibigan para pagkunan ng pag-asa sa mahirap na panahong ito. Ngunit hindi ito mangyayari kung tayo mismo ay balisa at nakakalimot sa pag-asa natin kay Cristo. Tayo dapat ang nagpupuno sa ating isipang ng mga bagay na “tunay, marangal, tama, dalisay, kaibig-ibig, kahanga-hanga, mahusay, [and] kapuri-puri” upang ang pag-asa ng ebanghelyo ay magningning sa ating mga kasama sa trabaho at sa buhay.
Kung nagustuhan mo ang gabay na ito, lalong magugustuhan mo ang aking lingguhang debosyonal, at tutulungan ka nitong mas malalim na maiugnay ang ebanghelyo sa iyong tabaho. Mag-sign-up dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Nagtatrabaho mula sa bahay? Napahiwalay mula sa iyong komunidad? Sa apat na araw na gabay na ito, babasahin mo ang aklat ng Mga Taga-Filipos (na isinulat ni Pablo mula sa bilangguan) upang mahanap ang biblikal na pananaw, pag-asa, at tagubilin kung paano tayo dapat magtrabaho sa panahon ng COVID-19.
More