Ang Nilalayong Gawain ng Ebanghelyo sa Krisis ng Covid-19Halimbawa

Ang pag-iisa dahil sa pagkakakulong ay hindi kasali sa plano ni Pablo.
Sa unang tingin, ang pagkakakulong niya ay tila pagkagambala sa kanyang mga pagtatangka na ipahayag ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kanyang trabaho bilang tagagawa ng tolda at bilang mangangaral. Ngunit malinaw na sinabi ni Pablo na “ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. ” (Mga Taga-Filipos 1:12).
Paano? Malinaw na sinasabi sa Mga Taga-Filipos 1:13, na nagniningning ang ebanghelyo dahil binigyan si Pablo ng pagkakataon na, anuman ang kalagayan, siya ay “nakakadena para kay Cristo,” kusang-loob na nagpabihag sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang pag-asa sa konteksto ng sitwasyon ni Pablo ay tila hindi sa daigdig na ito sa pananaw ng "guwardiya ng buong palasyo.” Kaya, sila rin kalaunan ay nakaintindi sa pag-asa ng ebanghelyo.
Anong matututunan natin mula sa mga salitang ito habang ikaw at ako ay gumagalaw na magkahiwalay at nag-iisa? Tayo, tulad ni Pablo, ay may natatanging pagkakataon upang ipakita ang pag-asa ng ebanghelyo, hindi dahilsa kabila ng ating sitwasyon, ngunit dahil nito. Paano?
Sa pamamagitan ng pagpapakita na tayo ay nag-aalala, ngunit hindi nababahala. May dahilan ba upang tayo ay mag-alala dahil sa coronavirus? Siyempre naman. May dahilan ba tayo upang mabahala? Hinding-hindi dahil tayo ay may “kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao” dahil kay Cristo at sa Kanyang mga pangakong tutubusin tayo at ang mundo (Mga Taga-Filipos 4:7). Sa oras ng kawalan ng seguridad, ang ating natatanging katiwasayan ay nagbibigay ng kakayahan sa ebanghelyo na maengganyo ang ating mga kasamahan sa trabaho, mga kliyente at mga kaibigan.
Sa pamamagitan ng pagpapakita ng hindi-karaniwang pagmamalasakit sa mga tao sa ating paligid. Ngayon higit pa kailanman, ang mga tagasunod ni Cristo ay dapat magpakita ng pambihirang pagmamalasakit sa mga katrabaho, higit pa sa “halaga” na kaya nilang ibigay sa ating mga kompanya at ating mga koponan. Ito ang sandali kung saan ang pagtatanong tungkol sa pamilya at kalusugan ay hindi lang katanggap-tanggap, kundi matino at makatao. Dapat tayong maging mga katrabaho na kilala dahil sa pagmamalasakit sa “kabuuang pagkatao” ng mga kasama natin sa trabaho araw-araw.
Sa pamamagitan ng malinaw na pagpapahayag ng ating pag-asa. Ang dalawang mga mungkahi sa itaas ay maaaring maging pahiwatig sa ebanghelyo bilang ating tunay na pagganyak upang mahalin ang ating mga kapitbahay, ngunit darating ang punto, kakailanganin nating ibahagi ang magandang balita sa pamamagitan ng ating salita. Ngayon na ang naaangkop na panahon. Ang mga tao sa ating mga opisina at kapitbahayan ay nananabik sa pag-asa higit pa sa dati. Pag-asa para sa mundo. Pag-asa para sa kanilang hanapbuhay. Pag-asa para sa kanilang sarili. Bilang mga Cristiano, tayo ay may espiritwal na bakuna na nagbibigay ng pag-asa magpakailanman. Maging matapang tayo upang ibahagi ito at “ipahayag ang magandang balita nang walang takot” (Mga Taga- Filipos 1:14)!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Nagtatrabaho mula sa bahay? Napahiwalay mula sa iyong komunidad? Sa apat na araw na gabay na ito, babasahin mo ang aklat ng Mga Taga-Filipos (na isinulat ni Pablo mula sa bilangguan) upang mahanap ang biblikal na pananaw, pag-asa, at tagubilin kung paano tayo dapat magtrabaho sa panahon ng COVID-19.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis

Ang Kapangyarihan ng Pagkakaisa

Ang Pagpapanumbalik sa Pamayanan at ang Iglesia

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Nilikha Tayo in His Image

Ang Kahariang Bali-baliktad

Masayahin ang ating Panginoon

Sa Paghihirap…
