Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Nilalayong Gawain ng Ebanghelyo sa Krisis ng Covid-19Halimbawa

Gospel Driven Work In The COVID-19 Crisis

ARAW 2 NG 4

Kahapon, tiningnan natin ang Mga Taga-Filipos 1 at kung papaano ginamit ni Pablo ang kanyang panahon sa kulungan upang “isulong ang ebanghelyo.” Isa sa mga paraan na magagamit natin ang ating sariling oras nang pagbubukod ay ang pagsunod sa mga utos ni Pablo sa babasahin ngayon na “ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili” (Mga Taga-Filipos 2:3-4).

Madaling magsalita tungkol sa ideyang ito kapag mabuti ang kalusugan at maayos ang ekonomiya ng mundo. Ibang kuwento naman ang pamumuhay ng mga pahayag ng ebanghelyo sa mga panahon tulad ng nangyayari ngayon.

Gaano ba kapraktial ang pagtuturing nang higit ang iba kaysa sa ating sarili sa panahon ngayon? Ang sagot sa tanong na ito ay iba't-iba sa bawat isa sa atin depende sa ating mga tungkulin sa trabaho at sa ating pinansyal na sitwasyon. Narito ang ilang mga ideya.

Manatili sa bahay. Karamihan sa atin ay may mahigpit na utos o payo galing sa mga awtoridad ng pamahalaan na lumayo sa iba. “Ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili” sa pamamagitan ng pagsunod ng mga direktibang ito, pagboboluntaryo sa pagsasakripisyo ng mga personal na kalayaan para sa kapakanan ng iyong mga kapitbahay. 

Magboluntaryo na tumanggap ng kaltas sa suweldo upang mailigtas ang hanapbuhay ng iba. Iilang mga tao lang ang may kakayahang gawin ito, ngunit ang mga taong makakagawa nito ay may pribilehiyo na ituro ang ebanghelyo sa pamamagitan ng dramatikong aksyon.

Maging mas mapagbigay kaysa sa dati. Noong nakaraang linggo, nakipag-usap ako sa isang kaibigan na nagpapatakbo ng isang digital marketing agency. Habang ang kanyang negosyo ay hindi gaano naapektuhan ng krisis ngayon, siya ay may dahilan upang maniwala na maaaring naapektuhan nga ito. Ngunit pagkatapos ng maraming panalangin, nagdesisyon siya na kumilos nang may pananalig at binayaran ang renta ng kanyang paboritong lokal na kapihan na palubog na. Ang mga pagkilos na ito ay tila kalokohan sa iba, ngunit para sa mga may-ari ng kapihan, ito ay ang pagkilos ng ebanghelyo.

Ang mga iminumungkahi ko dito ay mahirap. Ngunit alam mo ba ang hindi mawari na mas mahirap? Ang pagbabayad sa parusa ng ating mga kasalanan. Tayo ay tinawag upang gayahin ang halimbawa ng buhay ni Jesus. Maghanap tayong lahat ng mga malikhaing paraan upang ipakita ang ebanghelyo habang tayo ay nagtatrabaho sa panahon ng krisis.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Gospel Driven Work In The COVID-19 Crisis

Nagtatrabaho mula sa bahay? Napahiwalay mula sa iyong komunidad? Sa apat na araw na gabay na ito, babasahin mo ang aklat ng Mga Taga-Filipos (na isinulat ni Pablo mula sa bilangguan) upang mahanap ang biblikal na pananaw, pag-asa, at tagubilin kung paano tayo dapat magtrabaho sa panahon ng COVID-19.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://jordanraynor.com/covid19/