Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Nilalayong Gawain ng Ebanghelyo sa Krisis ng Covid-19Halimbawa

Gospel Driven Work In The COVID-19 Crisis

ARAW 3 NG 4

“Ang lahat ng bagay ay [is] nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan” (Mga Taga-Filipos 3:21).Isang maluwalhating katotohanan na ating makakapitan sa panahon ngayon.

Nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos ang ating kalusugan.

Nasa ilalim ng kapangyarihan Niya ang ating ekonomiya.

Nasa ilalim ng kapangyarihan Niya ang ating trabaho.

At bagama't hindi natin laging nalalaman o naiintindihan ang Kanyang mga plano, nakasulat ng buong-buo sa Banal na Kasulatan na napatunayan Niya ang Kanyang sarili na matapat at soberano, ginagawa ang lahat ng bagay para sa Kanyang kaluwalhatian at sa huli ay para sa “ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya” (Mga Taga-Roma 8:28).

Isang araw, makikita natin ang kasukdulan ng lahat ng mabuti sa Bagong Mundo kung saan si Cristo ay mamumuno bilang hari hanggang sa walang hanggan. Pero hanggang hindi pa ito nangyayari, tinatawag tayo ng Hari na kumilos bilang Kanyang mga kinatawan, nagsusumikap na palawakin ang nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at ang Kanyang pakay ng pagtutubos sa lahat ng Kanyang nilikha.

Ang mga doktor ay nagtatrabaho buong araw upang makontrol ang COVID-19.

Ang mga pinuno sa gobyerno ay nagtatrabaho upang muling makontrol ang paraan ng ating pamumuhay.

Ang mga negosyante at iba pang manlilikha ng kultura ay nagtatrabaho upang muling makontrol ang ekonomiya.

Dapat ang layunin ng lahat ng ating trabaho ay ang pagtubos kung ano ang nasira sa ating mundo ngayon, sumasang-ayon sa plano ng Nag-iisang Tunay na Hari. Ngunit mabigo man tayo o magtagumpay, lahat ng ating mga pagtatangka para sa gawaing pantubos ay nagbibigay ng oportunidad na magsilbi bilang mga posteng pananda sa huling pagtubos ng lahat ng bagay sa pamamagitan ni Cristo.

Sa unang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay, ipinakita ni Jesus sa atin na may kapangyarihan Siya na "baguhin ang ating mababang katawang tao” sa isang bagay na tinubos, perpekto at “maluwalhati” (Mga Taga-Filipos 3:21). Ngunit malinaw na sinasabi sa Banal na Kasulatan, kapag bumalik na si Cristo upang mamuno sa bagong Jerusalem hanggang sa walang hanggan, hindi lang Niya tutubusin ang ating mga katawan. Tutubusin din Niya ang buo Niyang nilikha. Dahillahat ay sa huli nasa Kanyang kontrol. 

Isang araw, lahat ng ating mga pagtatangka sa gawaing pantubos ay gagawing perpekto. Bago pa man dumating ang araw na iyon, kumilos tayo nang buong puso (Mga Taga-Colosas 3:23)upang maituro ang hinaharap na pag-asa ng mundo.

Tungkol sa Gabay na ito

Gospel Driven Work In The COVID-19 Crisis

Nagtatrabaho mula sa bahay? Napahiwalay mula sa iyong komunidad? Sa apat na araw na gabay na ito, babasahin mo ang aklat ng Mga Taga-Filipos (na isinulat ni Pablo mula sa bilangguan) upang mahanap ang biblikal na pananaw, pag-asa, at tagubilin kung paano tayo dapat magtrabaho sa panahon ng COVID-19.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://jordanraynor.com/covid19/