Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Pinabayaan: Paghahanap sa Kalayaan bilang mga Anak na Babae at Lalaki ng isang Perpektong AmaHalimbawa

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

ARAW 5 NG 5

Araw 5: 

Guni-gunihin ang isang tipikal na pag-iihaw sa likod-bahay sa panahon ng tag-araw. Naaamoy mo ba ang mga burgers, brats at baby back ribs na iniihaw sa parilya? Maaaring tapusin ninyo ang gabi sa pag-iihaw ng marshmallow sa isang siga.

Ngayon guni-gunihin mong may isang maliit na problema lamang…wala kang ngipin! Hindi mo matitikman ang mga inihaw na pagkaing ito dahil wala ka pa sa hustong gulang kung saan nasa iyo na ang mga kailangan mo upang tamasahin ang mga ito.

Ang ating mga espirituwal na buhay ay maaaring katulad din nito! Maaaring walang mangyari sa atin at may mga pagkakataon tayong mapalampas dahil wala pa tayo sa hustong kaisipan.

Alam mo, hindi lamang tayo pinauulanan ng mga pagpapala ng Ama, inaanyayahan Niya rin tayong lumago sa pamamagitan ng paggawa nating huwaran sa buhay Niya. Sa ating bagong pagkakakilanlan at espirituwal na DNA, tinatawag tayong lumago tulad ng ating Ama sa Langit. Katulad ng binabanggit sa Mga Taga-Efeso 5:1: "Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo Siya."

Inaanyayahan tayo at tinatawag upang maging tulad ng ating Ama. Tinitingala natin Siya at napapansin natin kung paano Siya gumawa – ang paraan ng Kanyang pagsasalita, at pagsagot. Nilalakaran natin ang Kanyang yapak.

Ang kamangha-mangha ay hindi tayo iniwan ng Diyos upang unawain kung paano gawin ang mga bagay-bagay; ibinigay Niya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo upang akayin at gabayan tayo. Bilang isang perpektong Ama, ang Diyos ay nakikilahok sa ating buhay. Sinasabi Niya sa iyo at sa akin, "Eto, hayaan mong ipakita Ko sa iyo kung paanong gagawin iyan."

Narito ang tatlong pananda na dapat pag-isipan, sikaping abutin, habang tinutularan natin Siya at habang lumalago tayo sa ating espirituwal na kahustuhan.

1. Gumising: sa kung sino tayo at kung para kanino tayo. Katulad ng sinasabi ng isang sikat na awiting pagsamba, hindi na tayo mga alipin…sa pagpapabaya, takot, pagiging hindi karapat-dapat, kawalan ng kapanatagan, pang-aabuso, pagkagumon, pangamba, paghahambing, o kalungkutan…tayo ay mga anak ng Diyos!

2. Tanggapin: ang mga implikasyon ng ating bagong henetikong kayarian. Iwinawaksi natin ang kasalanan at ang lumang pamamaraan ng buhay at nagtutungo sa mga bago at mabuting bagay na nais ng Diyos na gawin natin.

3. Angkinin: ang pag-uugali at katangian ng Diyos. Pag-aralan kung paanong kumikilos at gumagawa ang Diyos. Panabikan ang Kanyang Salita. Makipag-usap sa Kanya. Tularan ang disenyo ng Kanyang mga pamamaraan.

Itinaguyod ka ng isang perpekto, at mapagmahal na Ama—ngayon ay humayo ka tulad ng iyong Ama!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

Si Louie Giglio, Pastor at Tagapagtatag ng Passion Movement, ay ibinabahagi ang pang-5-araw na debosyonal na ito para maunawaan ang katangian ng Diyos sa paraang nakapagpapabagong-buhay — bilang isang perpektong Ama na nagnanais na lumakad ka sa kalayaan bilang Kanyang minamahal na anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://notforsakenbook.com/