Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Pinabayaan: Paghahanap sa Kalayaan bilang mga Anak na Babae at Lalaki ng isang Perpektong AmaHalimbawa

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

ARAW 3 NG 5

Araw 3: 

“Hindi ko mapapatawad ang tatay ko sa _____ .”

Naramdaman mo na ba ang ganito?

Ang bawat relasyon sa kapwa tao ay nangangailangan ng pagbibigay at pagtanggap ng pagpapatawad.

Walang pinag-iba sa ating mga ama sa lupa. Ang isang bagay tungkol sa pagpapatawad ay makakapili tayo kung ibibigay ba natin ito—o hindi.

Maaaring nakakatuksong hindi magpatawad sa mga nakasakit sa atin. Nililinlang tayo ng Kaaway na isiping kapag hindi natin pinatawad ang isang tao, tila may kapangyarihan tayo sa kanila. Pero ang totoo, dahil hindi tayo nagpapatawad, binibigyan natin ang nakaraan—ang masamang bagay na ginawa sa atin at ang taong gumawa sa atin nito—ng kapangyarihan laban sa atin. 

Ganito ang isipin mo. Sa tuwing sasabihin mo, “Hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa ______,” muli mong isinasabuhay ang sakit at pinalalakas mo siya sa iyong alaala. Hindi namatay si Jesus para sa atin para mabuhay na alipin ng mga pagkakamali ng nakaraan; Inako Niya lahat ng ginawang masama sa atin at ginawa nating masama, para mabuhay tayo nang puspos at malaya.

Ang susi para mapatawad natin ang mga nagkasala sa atin, kasama na ang ating mga ama, ay ang pagtingin sa krus. Kung nakikita natin ang krus, nakikilala natin kung gaano kalaki ang ating kasalanan, at kung gaano kalaki ang halagang ibinayad ng Diyos para dito—ang buhay ng kanyang Anak!—para patawarin tayo. Kapag nakita natin ang kasaganaan ng walang humpay na pagpapatawad na natanggap natin, nakikita natin na mapapatawad natin ang mga taong gumawa ng kasalanan sa atin, kasama na ang ating mga ama.

Huwag mong masamain ito. Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugan na ilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala o pagkakaila sa pang-aabuso, at hindi ibig sabihin nito na magbubulag-bulagan tayo sa kasalanan. Hindi ginawa ng Diyos ito para sa atin. Pinantay niya ang hustisya para sa lahat ng ating mga kasalanan sa kanyang Anak na walang bahid kasalanan.

Ang kabuuan ng galit sa lahat ng pagkakamaling ginawa sa iyo ng iyong ama ay ibinuhos lahat kay Jesus doon sa krus.

Sa sandaling maintindihan natin ito, tayo ay malaya nang patawarin ang ating mga ama. At sa pamamagitan ng pagpapatawad natin sa kanila, tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na magdala ng pagpapala na maaaring hindi natin natanggap sa ating mga ama sa lupa mula pa sa ating talaangkanan. Sa pamamagitan nito, maisasabuhay natin ang Magandang Balita ng pagbibigay ng pagpapala sa mga taong walang karapatan dito.

Tanggapin ang pagpapala ng kapatawaran mula sa iyong Ama sa Langit. Ibigay ang pagpapatawad sa iyong ama sa lupa, at lumakad sa kalayaan dahil batid mo na ang iyong Ama sa Langit ay nangako na itatama ang bawat mali at papahirin ang bawat luha magpakailanman.

Tungkol sa Gabay na ito

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

Si Louie Giglio, Pastor at Tagapagtatag ng Passion Movement, ay ibinabahagi ang pang-5-araw na debosyonal na ito para maunawaan ang katangian ng Diyos sa paraang nakapagpapabagong-buhay — bilang isang perpektong Ama na nagnanais na lumakad ka sa kalayaan bilang Kanyang minamahal na anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://notforsakenbook.com/