Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Pinabayaan: Paghahanap sa Kalayaan bilang mga Anak na Babae at Lalaki ng isang Perpektong AmaHalimbawa

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

ARAW 1 NG 5

Araw 1:

“Itay, panoorin mo ako!”

Malamang na nasabi mo na ang salitang ito – o katulad nito -- bilang isang anak. Isa itong pangkalahatang pananalita ng mga bata, isang pagpapahayag ng likas na pagnanasang makita, purihin at tanggapin ng ating mga ama. Ito man ay ang makapag back flip sa diving board, makapagpasok ng bola sa garahe, o makakuha ng gradong puro A sa report card, pinananabikan nating marinig na sabihin niya na, “mahal kita at sobrang ipinagmamamalaki kita.”

Isinulat ni Dr. Peggy Drexler ang tungkol sa pananabik na ito sa isang pag-aaral ng Psychology Today tungkol sa 75 na mga kababaihang may mataas na narating sa buhay. “Gaano man sila katagumpay sa kanilang mga karera, gaano man kasaya ang kanilang buhay may-asawa, o gaano man kahusay ang kanilang mga buhay, sinabi ng mga babaeng ito sa akin na ang kanilang kaligayahan ay dumadaan sa kung ano ang reaksyon ng kanilang ama rito....Kahit na sa mga kababaihan na ang ama ay naging pabaya o naging mapang-abuso, nakita ko ang pagkagutom sa papuri.”

Sa kanyang libro, Man Enough, inilarawan ni Dr. Frank Pittman ang parehong pagkagutom na ito sa pagtanggap sa mga kalalakihan: “Ang buhay para sa karamihan ng mga batang lalaki at sa maraming kalalakihan ay isang nakabibigong paghahanap sa nawalang ama na hindi pa nag-alay ng proteksyon, probisyon, pangangalaga, huwaran, o, lalo na, ng pagpapala.”

Ang salitang “pinahiran” ay tumutukoy sa pagiging pinili, pinagpala...pinagtibay. Ito ay nagpapakita ng bagay na likas sa atin kung kaya tayo ay nananabik sa papuri at paghanga ng isang ama. 

Maaring ang pagpapalang ito ay nasa buhay mo na. Kung nasa iyo na, maglaan ng sandali sa araw na ito kung maaari mong sabihin sa iyong ama kung gaano ka nagpapasalamat sa kanya! Kung wala pa, hindi ka nag-iisa. Ayon sa U.S. Census Bureau, higit sa isa sa apat na mga batang Amerikanong ngayon ay namumuhay ng walang ama sa tahanan. Sa maraming pagkakataon, ang mga salitang “paghanga,” “pagpuri,” o “pagpapatunay” ay ang huling mga salitang pipiliin natin para ilarawan ang isang ama. Ang mga salitang maaring agad na pumasok sa ating isip ay:

Wala. 

Galit. 

Mapang-abuso. 

Malayo.

Hindi nakapagtatakang ang henerasyong ito ay binansagang "walang ama.”

Pero mayroong mabuting, mabuting balita para sa ating lahat ngayon. Ano man ang katangian ng iyong ama sa mundo o anuman ang kalagayan ng relasyon mo sa kanya, may isang perpektong Ama na nagnanais magkaroon ng perpektong relasyon sa iyo. Naghihintay Siya na paulanan ka ng pagpapala. Siya ang lahat-lahat ng nais mo mula sa ama mo sa lupa at higit pa roon.

Sa mga susunod na araw, makikita natin kung paano natin mahahanap ang kalayaan bilang Kanyang mga anak.

Tungkol sa Gabay na ito

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

Si Louie Giglio, Pastor at Tagapagtatag ng Passion Movement, ay ibinabahagi ang pang-5-araw na debosyonal na ito para maunawaan ang katangian ng Diyos sa paraang nakapagpapabagong-buhay — bilang isang perpektong Ama na nagnanais na lumakad ka sa kalayaan bilang Kanyang minamahal na anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://notforsakenbook.com/