Hindi Pinabayaan: Paghahanap sa Kalayaan bilang mga Anak na Babae at Lalaki ng isang Perpektong AmaHalimbawa

Araw 4:
Hindi nawawalan ng mga pagsusuri tungkol sa DNA na nagsasabi sa atin tungkol sa ating pinanggalingan at ng bumubuo ng ating genetiko. Pinagtitibay nila ang isang pangkalahatang katotohanan; gusto mo man o hindi, lahat ng ating mga pisikal na katangian ay galing sa ating mga magulang. At, habang tumatanda tayo, mas nakikita nating marami sa ating personalidad ay galing din sa kanila.
Maaring gusto mo ito. Maaring naiinis ka rito nang bahagya. Maaring ganap kang sinisira nito.
Maaring ang pinakahuling magugugustuhan mo ay ang dugo ng iyong pamilya na nananalaytay sa iyong mga ugat.
Ang Banal na Kasulatan ay nagpapahayag tungkol sa ating mga talaangkanan sa paraang nagbibigay ng matinding pag-asa. Ipinapangako nito sa atin ang isang mas mahusay na talaangkanan – isang walang hanggang talaangkanan. Sinasabi sa atin sa Juan 1:12 na binigyan ni Jesus ng karapatang maging mga anak ng Diyos ang mga naniwala sa Kanyang Pangalan. Inaalok Niya tayo ng isang bagong talaangkanan, at ang pagkakataong ipanganak ng Diyos, buhay na may bagong espirituwal na DNA. Paano Niya ginawa ang tungkuling ito? Sa pamamagitan ng isa pang puno–ang krus.
Naparito si Jesus para mamatay, bilang pagsasakripisyo. Nakipagpalit Siya ng kalagayan sa atin. Ang Anak ng Diyos na walang kasalanan ay inako ang ating kasalanan at dinanas ang ating kamatayan upang tayo naman ay maging mga anak ng Nakatataas. Ang perpektong Anak ng Diyos ay pinabayaan at tinanggihan, upang tayo ay hindi makaranas nang ganito. Hinding-hindi tayo pababayaan, dahil si Jesus ay pinabayaan alang-alang sa atin.
Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa puno, binigyan tayo ni Jesus ng isang bagong pamilya–ang pamilya ng Diyos. Sa Kanyang pagkabuhay na muli, tinanggalan Niya ng kapangyarihan ang kamatayan doon sa mga taong nabibilang sa Kanyang pamilya. Sa Kanyang pamilya, lahat tayo ay nabubuhay sa ilalim ng talon ng pagpapala ng Ama. Bilang Kanyang mga anak, nabubuhay tayo sa mga katotohanang ito!
• Hindi natin kailanman kalalakihan ang pagkalinga ng Diyos.
• Hindi natin kailanman mauubos ang pag-ibig ng Diyos.
• Hindi natin malalampasan ang pag-abot ng Diyos
• Hindi tayo kailanman dudulas mula sa mga daliri ng Diyos.
• Araw-araw ay gigising tayo sa panibagong awa ng Diyos.
• Ibibigay ng Diyos ang lahat ng ating pangangailangan.
Kay Cristo, ikaw ay pinili, minamahal, pinahahalagahang lubha, gustong-gusto, at pinaniniwalaan ng Diyos– ang iyong Perpektong Ama.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Si Louie Giglio, Pastor at Tagapagtatag ng Passion Movement, ay ibinabahagi ang pang-5-araw na debosyonal na ito para maunawaan ang katangian ng Diyos sa paraang nakapagpapabagong-buhay — bilang isang perpektong Ama na nagnanais na lumakad ka sa kalayaan bilang Kanyang minamahal na anak.
More