Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Pinabayaan: Paghahanap sa Kalayaan bilang mga Anak na Babae at Lalaki ng isang Perpektong AmaHalimbawa

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

ARAW 2 NG 5

Araw 2:

Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naiisip mo ang Diyos?

Mahusay na sinabi ng teologo na si A. W. Tozer na ang sagot natin sa tanong na ito ang pinakamahalagang bagay tungkol sa atin. Kaya, ano ang iniisip mo kapag naiisip mo ang Diyos?

Ang ilan sa atin ay nag-iisip na nariyan ang Diyos, ngunit wala Siyang kinalaman sa ating mga buhay. Nilikha Niya ang mundo at inayos ito, pagkatapos ay naupo para panoorin habang umaandar ito sa sarili niya.

Iniisip ng iba na mabait ang Diyos at ninanais na tayong lahat ay maging mabuti at magkaroon ng magandang buhay, ngunit medyo mahina ang pandinig, malayo at mahina na para makagawa pa ng anumang malaking bagay.

At ang iba ay iniisip na ang Diyos ay isang malupit na diktador, isang kosmikong mapangsira ng saya na narito lamang para sabihin sa atin kung ano ang hindi natin dapat gawin.

Ang mga ito, at marami pang paglalarawan sa Diyos, ay pangkaraniwan, pero mali. Alam mo, ang Diyos ay hindi isang kosmikong mayordomo sa langit, ang iyong lolong mahina ang pandinig, o isang napakalayong puwersang hindi nakikita. Siya ang ating Ama. Sa buong Banal na Kasulatan, ang Diyos ay nakikitungo sa atin unang-una na bilang isang Ama. Si Jesus mismo, sa apat na aklat ng Mabuting Balita - ang Mateo, Marcos, Lucas, at Juan—ay tinukoy ang Diyos bilang isang ama ng 189 beses. Malinaw na importanteng makita natin ito at pakitunguhan natin ang Diyos sa ganitong paraan.

Pero ito ay nagbibigay ng pangalawang katanungan. Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naiisip mo ang tungkol sa Ama?

Ang ating mga karanasan, mabuti o masama, sa ating mga ama sa lupa ay may malaking bahagi kung paano natin sinasagot ang tanong na ito. Dahil dito, ang “Ama” ay maaring hindi mas mahusay na titulo kaysa sa “kosmikong mapanira ng saya,” “lolong may mahinang pandinig,” o “puwersang di nakikita.” Ngunit, anuman ang ating mga karanasan sa ating mga ama sa lupa, naranasan nating lahat ang manabik para sa isang perperktong ama.

Isipin natin ang pananabik na ito. Ano ang parati mong hinihiling na sana ganito ang iyong ama?

Narito ang kahanga-hanga at lubos na nakapagpapalayang balita para sa iyo at sa akin ngayon: Ang Diyos ang perpektong Ama. Hindi lang Siya malaking bersyon ng iyong ama sa lupa, siya ang perpektong Ama. Siya ang sagot sa bawat pananabik sa pagtanggap, papuri, suporta at pagmamahal ng isang ama na maari mong maranasan.

Ang ibig sabihin nito ay ang bawat isa sa atin – gaano man nakakamangha ang ating mga ama sa lupa, o kung lagi silang wala, gaano man sila mapang-abuso, o malayo sa atin – ay may pagkakataong mabuhay bilang mga minamahal na anak na babae at anak na lalaki ng isang perpektong Ama. Ang makita ang Diyos sa ganitong paraan ay may kapangyarihang baguhin ang ating relasyon sa Kanya, at sa ating mga ama sa lupa.

Tungkol sa Gabay na ito

Not Forsaken: Finding Freedom as Sons & Daughters of a Perfect Father

Si Louie Giglio, Pastor at Tagapagtatag ng Passion Movement, ay ibinabahagi ang pang-5-araw na debosyonal na ito para maunawaan ang katangian ng Diyos sa paraang nakapagpapabagong-buhay — bilang isang perpektong Ama na nagnanais na lumakad ka sa kalayaan bilang Kanyang minamahal na anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://notforsakenbook.com/