Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng LoobHalimbawa

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

ARAW 7 NG 7

“Personal na Integridad" Noong 1994 sa National Youth Workers Convention na ginanap sa San Francisco, napakinggan ko ang mga katuruan ng isang taong nawalan ng integridad. Ang taong ito ay si Richard Dortch. Mula sa pulpito, isinalaysay ni Dortch kung paanong ang mga taon na napanatili niyang malinis ang kaniyang ministeryo ay nabaligtad sa loob lamang ng tatlong taon, nang nabigo siya sa kanyang pribadong buhay. Ngayon, si Dortch ay nakalabas na sa kulungan, naglalakbay upang itama ang kanyang mga pagkakamali at ipangaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng personal na integridad. Sa pagtatapos natin sa babasahing ito, nais kong ibahagi ang ilan sa mga sinabi ni Richard Dortch. Una, ang malaking pagkabigo ay hindi dumarating sa isang iglap lamang. Sa halip, ito ay nabubuo sa pamamagitan ng dahan-dahan at patuloy mong paglayo sa katotohanan. And sunod na sinabi niya ay, “Maihahambing ang integridad sa isang salamin na baso.” Ito ay malinaw. Kapag tumingin ka rito, tatagos ang iyong paningin. Maaari rin bang tumagos ang tingin ng iba sa buhay mo?” Kung ikaw ay nasa isang lugar kung saan ang bintana ng iyong buhay ay malabo, madumi at natatakpan ng mabigat na usok, ang una mong dapat gawin ay manalangin. Huwag ka lamang humingi ng kapatawaran, idalangin mo rin na bigyan ka ng Diyos ng lakas ng loob na maibalik ang iyong integridad anuman ang maging kapalit. Sa ganitong paraan lamang, matapos kang hubugin ng Diyos sa katotohanan at integridad, masasabi mo na ang buhay mo ay tunay ngang malinis. Nasiyahan ka ba sa babasahing ito? Kung oo, sumali upang mapanalunan ang buong aklat sa http://www.dccpromo.com/praying_for_your_elephant/

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

Halina’t tuklasin ang pambihirang karanasan ng buhay na puspos ng panalangin. Samahan si Pastor Adam Stadtmiller sa isang paglalakbay tungo sa pag-aaral kung paano manalangin para sa mga bagay na tila imposible – ang iyo...

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/praying_for_your_elephant/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya