Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

NABABAGAY
Ang bawat isa sa ating mga anak ay natatangi. Ang iba ay mahilig sa iba't ibang gawain; ang iba ay mas gustong mag-isa. Ang iba ay masunurin; ang iba ay palaging nanunubok. Ang iba ay manhid; ang iba ay madamdamin. At ang bawat bata ay magbabago sa paglipas ng mga taon. Dahil dito ang ating sistema ng pagmamagulang ay nakadepende sa ating pagkilala sa bawat bata at ang pakikitungo sa kanya nababatay sa kanyang natatanging personalidad.
Para sa batang hindi disiplinado o suwail, ang pagpapaalala ay kinakailangan. Kayo ay masusubukan na maghain ng mga konsikuwensiya nang hindi pabago-bago at nang may pang-unawa.
Sa batang nanghihina ang loob na gusto nalang mapag-isa, kaaliwan at pagpapalakas ng loob ang kailangan. Matutong pakinggan ang kanilang mga ikinababahala at ipabatid na nauunawaan mo sila habang ipinadadamang may kompiyansa ka sa kanilang mga kakayanan.
Ang mahinang bata ay nangangailangan ng tulong. Marahil ugali niya ang sumunod sa "mga patakaran" kahit hindi niya nauunawaan ang diwang napapaloob sa mga ito. Ang espiritwal na karungungan ay maibabahagi sa bata sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang siyasatin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang kanyang mga ginagawa.
Ano pa man ang uri ng personalidad ng bata, inuutusan tayo ng Diyos maging matiyaga. Ibig ng Diyos na "makilala" natin ang bawat bata at ibagay ang ating sistema ng pagmamagulang sa bawat natatanging personalidad.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com