Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG MGA MINAMAHAL NI JESUS
Tinatawag ni Juan ang sarili niyang alagad na minamahal ni Jesus nang hindi kukulang sa limang beses sa kanyang Ebanghelyo. Bagama't sa una ay tila nagyayabang siya, maaaring paraan lang ito ni Juan na ipahayag ang kanyang pagkakakilanlan. Punahin na hindi naman niya sinasabing siya ang "tanging" alagad na minamahal ni Jesus.
Maaaring magpakilala si Juan na alagad, kabilang sa mga malalapit kay Jesus na tao, may-akda ng isang aklat ng Ebanghelyo, o iba pang mga titulo na mas lalong magbubunyi sa kanya, ngunit pinili niyang bansagan ang sarili na "ang... minamahal Niya." Posible kaya na pinili niya ang bansag na iyon dahil iyon ang pinakamahalaga sa kanya?
Katulad ni Juan, kung ikaw ay tagasunod ni Jesus, ikaw ay "ang... minamahal Niya." Iyan din ang iyong pagkakakilanlan. Kung nababahala ka na ang mga tao sa buhay mo ay hindi nagpapahalaga o nakakakilala sa lahat ng ginagawa mo, tandaan na ang iyong pangunahing pagkakakilanlan ay nasa pagmamahal ng Tagapagligtas na nagbigay ng Kanyang buhay dahil sa pagmamahal Niya sa iyo.
Maging panatag sa katotohanan na ikaw din ay "ang... minamahal Niya."

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com