Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 224 NG 280

PILIIN MO AKO!

Nang si Isaias ay binigyan ng pagkakataon na gamiting ng Dios, masigla siyang nag-boluntaryo. Ang kanyang tungkulin ay paalalahanan ang mga Israelita ng nalalapit na paghuhukom ng Dios kung ipagpapatuloy nila ang kanilang pagsuway. Pero hindi pa man naguumpisa, sinabi na ng Dios kay Isaias na ang bansa ay hindi makikinig sa kanyang mensahe at aani ng banal na paghuhukom. Isang napakahirap na trabaho! Inaliw ng Dios si Isaias sa pagsasabing mayroon na ilang makikinig at siyang ititira ng Dios sa mga matapat na tagasunod. Sa kabila ng napaka hindi popular na mensahe, matapat na ipinakita ni Isaias ang katangian ng Dios sa kanyang pagtatanim ng buto ng katotohanan at pag-asa.

Kung ikaw ay isang magulang, tinawag ka ng Dios upang disiplinahin ang iyong mga anak, isang tungkulin na minsan ay hindi kanais-nais at madalas na hindi rin nagugustuhan! Maaaring nakaka-relate ka kay Isaias kapag ang iyong dunong at matalinong payo ay hindi pinakikinggan. Pero tulad ni Isaias, dapat tayong magpatuloy sa pagtatanim ng binhi ng katotohanan ng Diyos at pagtiwalaan Siya sa iyong ani sa Kanyang perpektong panahon. Maging tapat sa pagtatanim ng binhi ng katotohanan at pag-asa ng Dios.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com