Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGBABAHAGI NG IYONG PAGPAPALA
Pagkatapos palayasin ni Jesus ang mga demonyo sa lalaking ito, gusto sanang sumama nito sa Kanya. Marahil ay nahihiya siyang manatili sa lugar na iyon matapos siyang maging tampulan ng panlilibak at pagpapahiya nang matagal na panahon. Sa halip, sinabi ni Jesus na manatili siya doon at ipahayag niya kung anong ginawa ng Dios para sa kanya. Sumunod ang lalaki at ipinahayag niya ang himalang nangyari sa kanya sa mga tao sa lugar na iyon, at sila ay namangha. Ang kanyang mensahe? Hinawakan ako ni Jesus at simula noon ay hindi na ako ang dating ako.
Nakikita ba ng iyong mga anak ang nabagong buhay sa iyo? Ang pinakamabuting paraan upang ituro sila kay Jesus ay ang ibahagi sa kanila nang may pasasalamat kung anong ginawa Niya para sa iyo habang patuloy mong hinahangad ang isang malapit na pakikipag-ugnayan sa Kanya.
Dakilain ang mga pagpapala ng Dios sa pamamagitan ng pagpapadaloy nito sa buhay ng ibang tao.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Nilikha Tayo in His Image

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan