Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 194 NG 280

PAGBIBIGAY KALUGURAN SA IBANG TAO

Nakatanggap ng paghanga si Jesus habang narito pa siya sa mundo, ngunit naging tampulan din Siya ng panlalait. Pagkatapos na Siya ay purihin sa rehiyon ng Galilea, kapansin-pansin ang ginawang pagtanggi sa Kanya sa sariling bayan Niya na Nazaret.

Ang mga tao ay pabago-bago ng isipan. Gaano man katindi ang ating pagsisikap, hindi natin kayang bigyang kaluguran ang lahat ng tao sa lahat ng oras. Kasama na rito ang ating mga anak. Maraming mga magulang ang natatakot sa galit ng kanilang mga anak at, sa kanilang kagustuhang pasayahin ang mga ito, maaari silang magparaya pagdating sa mga hangganan at mga kahihinatnan ng kanilang mga ginagawa. Subalit bihira itong humahantong sa paggalang o sa paghangang kanilang inaasam. Sa halip, nakakatanggap sila ng mas mariin na galit at panunumbat ng kanilang mga karapatan.

Hinihingi ng Diyos na ituon natin ang ating mga mata sa Kanya sa pamamagitan ng pagiging tapat sa ipinapagawa Niya sa atin. Ang pinakamabisang paraan upang pasayahin ang ating mga anak ay ang pasayahin ang Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com