Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG LAYUNIN NG DISIPLINA
Ang mga taludtod na ito ay nagpapakita sa mga magulang kung anong dapat nilang maging pagkilos habang kanilang dinidisiplina ang kanilang mga anak. Pansinin na mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak at kinalulugdan Niya ang mga ito kahit na itinatama Niya sila. Ang Kanyang pagdidisiplina ay hindi bilang isang marahas na kaparusahan, kundi pagpapakita ng pagmamahal upang hikayatin ang paglago at ang pagkakaroon ng ganap na gulang.
Lahat ng mga anak ng Diyos ay sumusuway at maging ang iyong mga anak ay ganoon din. Kung minsan nga lamang, ang ating pagtugon ay ayon sa ating pangangailangan kaysa sa pagkilala sa mas malaking layunin ng ating pagdidisiplina. Maiiwasan natin ang marahas na pagtugon kung magpaplano tayo bago pa man may mangyari. Kapag ikaw ay mahinahon, mag-isip ng mga nararapat na kaparusahan para sa mga paraang maaaring sumuway ang iyong mga anak. Kilalanin ang mga lugar kung saan ka mahina (ang ugaling sumagip, mag-sermon o sumigaw) at mag-isip ng ibang mga paraan ng pagtugon. Ang pagdidisiplina na naibibigay nang mahinahon, tuluy-tuloy, at maliwanag ay mas malamang na matatanggap ng walang pagtugong mapanghimagsik.
Ang pagdidisiplina ay makakatulong upang lumago ang iyong mga anak kapag ito ay naibibigay nang malinaw at may pagmamahal.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…

Nilikha Tayo in His Image

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin