Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 192 NG 280

PAGGALANG SA AWTORIDAD

Bagaman at hindi tayo laging sumasang-ayon sa mga awtoridad, sinasabi ng Diyos sa atin na inilagay Niya ang mga ito sa kanilang posisyon. Dahil dito, karapat-dapat sila sa ating paggalang at ang pagsuway natin sa mga may awtoridad ay nagiging pagsuway sa Diyos na Siyang nagtatag sa kanila. Maaaring hindi kanais-nais para sa atin ang isang pinuno, ngunit hindi ito nagbibigay sa atin ng pahintulot na sumuway o magrebelde (maliban na lang kung tayo ay inuutusang gumawa ng isang bagay na taliwas sa nakasulat sa Bibliya).

Isa sa mga pinakamabuting paraan upang mahikayat natin ang ating mga anak na sumunod sa mga awtoridad sa kanilang buhay ay ang magpakita sa kanila ng halimbawa ng pagpapasakop sa mga awtoridad sa ating sariling buhay. Kapag ipinapakita natin ang ating paggalang sa pulis na nagpahinto sa atin upang tumabi tayo, o kaya naman ay sa politikong nakikita natin sa TV o ang pastor na nangangaral ng isang nakakaantok na sermon, ipinapakita natin ang pagpapasakop na katulad kay Cristo para sa mga awtoridad na inilagay ng Diyos sa atin.

Ipakita mo sa iyong mga anak kung paanong gumalang sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagiging magalang at pagpapasakop sa mga namumuno sa iyo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com