Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 189 NG 280

MGA USAPAN TUNGKOL SA MGA ANAK

Isa sa mga pagpapala ng pagmamagulang ay ang mapanood ang ating mga anak na magtagumpay. Maraming mga magulang ang agarang nakaunawa ng nararamdaman ni Deborah Phelps noong kunan siya ng mga kamera ng TV habang masigasig na hinihimok ang kanyang anak na si Michael noong 2008 summer Olympics. Ang kanyang kasigasigan ay ginantimpalaan nang matapos ng anak niya ang mga laro nang may 8 gintong medalya! Ang mga ganitong sandali ay dapat tamasahin, ngunit may isang magandang katanungan na nagmumula rito - saan ba natatapos ang katuwaan at nagsisimula ang pagmamalaki?

Sa Galacia 5:26 sinasabi ang, "Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan." Nakasali ka na ba sa usapan ng mga magulang at naramdaman ang kapalaluan o inggit na namumuo sa iyo? Tila marami sa atin ang may pangangailangang patunayan ang ating sarili sa pamamagitan ng ating mga anak, bagama't ito ang itinuro sa atin na hindi dapat gagawin. Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao tungkol sa ating mga anak, maaari nating gamitin ang mga taludtod na ito bilang "panuri ng ating motibo."

Naluluwalhati ba ang Diyos kapag tayo ay nagsasalita tungkol sa ating mga anak?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com