Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 186 NG 280

ANG PIGHATI NG ISANG MAGULANG

Juan 16:33: "Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, Ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan" (RTPV05).

Maaaring maiugnay ninyo ang sarili ninyo sa ideyang, "Ang isang ina ay kasing-saya lamang ng kanyang pinakamalungkot na anak." Mahirap na hindi ka maapektuhan sa mga pagpupunyagi ng iyong mga anak. Nakita ni Jesus ang ganitong ugali at nagbigay siya ng kalutasang mula sa pananaw na walang-hanggan. Kapag ikaw ay tiyak sa iyong kinabukasan, mas kaya mong harapin ang iyong kasalukuyan. Ang isang pag-iisip na nakatuon sa pang-walang-hanggan ay makakatulong upang magkaroon ka ng isang pananaw na puno ng pag-asa sapagkat ang iyong tahanan ay hindi sa mundong ito!

Kapag ikaw o ang iyong mga anak ay nagdurusa, alalahaning napagtagumpayan na ni Cristo ang mundo, at isang araw ay makakasama na natin Siya. Sa ngayon, mag-ingat sa pagnanasa sa mga kaluguran dito sa mundo nang higit pa sa pagnanasa kay Cristo. Taglayin mo ang kaaliwan sa iyong kaalamang ang buhay ay panandalian lamang at hayaan mong ang kirot na iyong nararanasan ang magdala sa iyo sa pagtitiwala mo sa Kanya.

Alalahanin mong ang iyong tahanan ay wala sa mundong ito, kundi ito ay nasa langit.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com