Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 185 NG 280

MALIIT AT NANGANGAMBA

Ang hukbo ng mga Midianita na may bilang na 135,000 ay labis na napakarami kumpara sa mga Israelita, na may 32,000 tauhan lang na handang lumaban. Ngunit kahit iyon ay labis na napakarami. Inutusan ng Diyos si Gideon na bawasan ang bilang ng kanyang hukbo sa 300 tauhan lamang! Bago ang labanan, nagpuri si Gideon sa Panginoon at saka hinati ang mga tauhan sa tatlong pangkat. Ang kanilang mga sandata ay tanging mga trumpeta at mga banga na may sulo sa loob!

Gusto ng Diyos na malaman nila na ang tagumpay ay hindi nakadepende sa lakas o dami, kundi sa pagsunod at pagiging tapat sa Kanya. Bilang katibayan, ang hukbong Midianita ay nalupig bago pa man ni isang tabak ay nagamit.

Ano sa buhay mo ang tila napakahirap lupigin? Ang "mga Midianita" ay paminsan nasa anyo ng mga pagsubok sa pagmamagulang kung saan nanliliit at nangangamba ka. Ano man ang iyong kinakaharap, tandaan ang laban ay sa Diyos. Huwag mong payagang lupigin ng takot ang iyong pananampalataya. Sa halip tulad ni Gideon, tandaan na hindi tayo handang makipaglaban hangga't hindi tayo lumuluhod at nagpupuri sa Diyos.

Piliin ang pananampalataya at pagtitiwala na ang Diyos ang lalaban para sa iyo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com