Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 112 NG 280

PAGBABAHAGI NG KALIGAYAHAN

Naaalala pa ba ninyo yung panahong nanghuhuli kayo ng alitaptap at inilalagay ito sa mga garapon? O ang paglalakad sa kalikasan? Panonood sa pagdating ng napakalaking bagyo? Pagdinig sa bumubulubok na batis na hindi mo nakikita? Ang nilikha ng Diyos ay nagpapahayag ng Kanyang kamaharlikahan at ang ating mga puso ay natututong umawit ng papuri sa Kanya.

Sa panahong isang pindot lang ng daliri ay maaari nang magbukas ng ilang oras na paglilibang sa media para sa ating mga anak, nakakatuksong ito'y ipagwalang-bahala. Ang pag-alis sa harap ng telebisyon at pagsama sa iyong mga anak sa paglalakad ay maaaring maging sanhi upang may mga gawaing bahay kang hindi magawa, ngunit ito'y maaaring maging sanhi upang maging handa silang magpuri sa Diyos na Kataas-taasan!

Gumugol ka ng panahon upang maibahagi mo ang kaligayahan ng kalikasan kasama ang iyong mga anak, at ibahagi sa kanila ang mga kamangha-mangha Niyang likha.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com