Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa PanunumbalikHalimbawa

Soul Rest: 7 Days To Renewal

ARAW 6 NG 7

MAGBIGAY NANG BUKAS-PALAD

Ang isa sa mga dakilang kaloob ng pag-aayuno, sa anumang paraan, ay ang pagpapakita nito sa atin ng mga partikular na bagay kung saan tayo umaasa na maaaring makahadlang sa ating pakikipag-isa sa Diyos. Tinutulungan din tayo nito na magkaroon ng kalinawan sa pakikinig sa tinig ng Diyos, na nangungusap. Kapag tayo ay hindi nakatali sa mga bagay, nakakatulong ito sa atin na magkaroon ng tahimik na pagtingin sa mga ito dahil hindi tayo nadadala sa pagkuha at pagpapanatili ng mga bagay na ito. Ang pag-aayuno, kapag ginagawa nang regular, ay tumutulong sa atin na matanto ang posibilidad na mabubuhay tayo nang mas kaunti kaysa sa mayroon tayo. 

Ngayon, maghanap ng paraan upang magbigay sa iba nang hindi nagpapakilala. Ang kapangyarihan ng pagsasanay na ito ay ang pag-aayos at kalinawan na dulot nito. Nakatutulong na dalhin sa harapan hindi kung ano ang ating hinahangad kundi kung sino talaga tayo. Iyan ang kapangyarihan ng teksto sa Mateo 6 kapag ito ay nagsasabi tungkol sa hindi pagpapaalam sa iyong "kanang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kaliwang kamay" habang nagbibigay. Kapag nagbibigay ka, na hindi naghahanap ng kapalit, nagagawa mong magbigay ng biyaya sa iba sa paraang nagpapasariwa sa iyong kamalayan sa biyaya ng Diyos sa atin, na nagbubunga ng kapahingahan. Isulat kung ano ang iyong nararamdaman at nararanasan bilang resulta ng pagsasanay na ito.  

Babala: Ang potensyal na tukso dito ay ang sabihin na maaaring napakahirap para sa atin na makahanap ng pagkakataon na gawin ang pagsasanay na ito. O, sa pagbibigay, maaaring gusto nating gawin ito sa paraang kinikilala tayo para dito. Kahit na ito ay kasing liit ng pagbabayad para sa kape ng isang tao sa likod mo sa drive-thru, humanap ng paraan para magawa ito. 

Ang pinakamalaking katuparan natin ay nasa pagbibigay ng ating sarili sa iba. 

HENRI NOUWEN 

Tungkol sa Gabay na ito

Soul Rest: 7 Days To Renewal

Dahil sa napakaraming responsibilidad at mga pagkagambala na umaagaw sa ating atensyon, marami sa atin ang nakakagawa ng hindi magandang ikot ng pagpapahinga. Ang resulta, tayo ay nagiging pagod na pagod, nagsusumikap at nagpupumiglas laban sa nais ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gabay na ito, tayo ay tinatawag para sa intensyonal na pagsusuri sa sarili upang tulungan tayong sumulong patungo sa buhay na may layunin at sapat, kasama si Jesus.

More

Nais naming pasalamatan si Curtis Zackery para sa gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://soulrestbook.com