Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa PanunumbalikHalimbawa

Soul Rest: 7 Days To Renewal

ARAW 5 NG 7

MAGSANAY NG PAG-AAYUNO O PAGPIPIGIL

Ang ating napagtanto nang magkakasama ay ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan na makamtan ang kalayaan at kasaganaan sa buhay dito sa lupa. Marami sa atin ang naniwala sa kasinungalingang ang Diyos ay naghahangad ng kabaligtaran at, bilang resulta, naapektuhan ang paraan ng ating pamumuhay. Walang pahinga sa pagsusumikap na patuloy na subukang makuha ang pag-ibig at biyaya ng Diyos kapag sinasabi ng Biblia na wala tayong kakayahang gawin ito. Ngunit ipinagdiriwang natin ang sinasabi sa Juan 3 na hindi ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak upang hatulan ang mundo, kundi upang ang mundo ay maligtas. Kaya, kung layunin ng Diyos na tayo'y "lubos na mabuhay" sa lupa, kailangan nating pagnilayan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa atin kung paano ito gawin. 

Ngayon, pumili ng isang bagay na ipagpapaliban o iaayuno na alam mong magiging mahirap isuko. Para sa marami sa atin, maaaring ito ay ang pagpapatay ng ating mga cell phone sa isang takdang oras. Maaaring ang iba naman ay mag-aayuno mula sa isang pagkain. Sa paggawa nito, sinusubukan nating ihayag ang pagkahumaling natin sa ilang bagay, upang maihayag ang ating pangangailangan na ang Diyos ang maging pinakamahalagang hangarin natin. Nais din nating hilingin sa Diyos na magsalita sa atin patungkol sa mga paraan kung paano Niya tayo pinangungunahan upang mamuhay nang masagana at matagumpay. Isulat ang mga pananaw na ibinibigay ng Diyos sa iyo habang ikaw ay nakikilahok sa prosesong ito. 

Paalaala: Maaaring matukso tayong pumili ng isang bagay na hindi gaanong mahalaga upang ipagpaliban, sa layuning mabawasan ang epekto nito sa ating araw. Iminumungkahi ko na magtiwala ka sa Diyos at ipagpaliban ang isang bagay na mas mahirap isuko, upang maranasan mo ang bigat ng tensyon ng gawain. 

Nag-aayuno tayo dahil, bilang mga taong bahagi na ng proyekto ng kaharian ni Jesus, sa bagong mundo ng Diyos, kailangan nating tiyakin na tayo ay maligaya at matatag na nagpa-paalam sa lahat ng bagay sa ating sarili na patuloy na kumakapit sa nakaraan.

N. T. WRIGHT 

Nag-aayuno tayo dahil nakakatulong ito para mabigyan tayo ng balanse sa buhay. Ginagawa nitong mas sensitibo tayo sa buong buhay para hindi tayo masyadong nahuhumaling sa ating kaisipang bumili nang bumili.

RICHARD J. FOSTER 

Ang pag-aayuno mula sa anumang pagkain, gawain, pakikilahok o hangarin—para sa anumang panahon—ay nagtatakda ng yugto para magpakita ang Diyos..

DAN B. ALLENDER

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Soul Rest: 7 Days To Renewal

Dahil sa napakaraming responsibilidad at mga pagkagambala na umaagaw sa ating atensyon, marami sa atin ang nakakagawa ng hindi magandang ikot ng pagpapahinga. Ang resulta, tayo ay nagiging pagod na pagod, nagsusumikap at nagpupumiglas laban sa nais ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gabay na ito, tayo ay tinatawag para sa intensyonal na pagsusuri sa sarili upang tulungan tayong sumulong patungo sa buhay na may layunin at sapat, kasama si Jesus.

More

Nais naming pasalamatan si Curtis Zackery para sa gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://soulrestbook.com