Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa PanunumbalikHalimbawa

MANATILI PARIN
Sa mabilis na takbo ng ating pamumuhay, tayo ay patuloy na kumikilos. Ito man ay ang ating puno ng gawaing kalendaryo, mabilis na takbo ng isip, o ang teknolohiyang laging nakakonekta, hindi tayo mahusay sa pagpapahinga. Ang ugat, marami sa atin ang puno ng trabaho, pagkilos, at pagnanais na makakuha ng respeto, posisyon, awtoridad, pagpapahalaga at pagmamahal. Tangkain man nating ito ay makuha mula sa tao o sa Diyos, ang pagpapagal na ito ay nagdudulot sa atin ng pagod. Pagod na kaluluwa. Ang tanging paraan para masimulan natin ang paglalakbay patungo sa kapahingahan ay ang bigyan natin ng permiso ang ating sarili na huminto.
Sa araw na ito, magkaroon ng oras upang humanap ng kaunting saglit ng pag-iisa. Mas mabuti, ito ang oras na inilaan para hangarin ang pananatili. Mahusay kung ikaw ay nasa tahimik na lugar, na maari kang mag-isa sa loob ng sampung minuto. Sa tingin ko, ang 10 minuto ay makatwiran para sa pag-asang makamit ito. Gawin ito nang walang tulong ng teknolohiya o anumang maaring dahilan para makagambala sa iyo.
Kung ang paghakbang papalayo ay imposible para sa iyo sa araw na ito, humanap ng paraan upang makagawa ng katahimikan sa gitna ng iyong maghapong gawain. Magmaneho nang tahimik papunta o pauwi galing sa trabaho. Maupo mag-isa na walang telepono habang ikaw ay nanananghalian. Ang susi sa lahat ng ito ay huwag hayaan ang anuman upang maagaw ang inilaang oras para sa katahimikan.
Babala: Magkakaroon ng tukso upang mabawasan ang kahalagahan ng pananatili. Ngunit nais kitang hikayatin na maging mapagbantay. Alamin ang nangyayari sa iyong isipan at sa iyong puso habang ikaw nasa pagkamit ng tahimik na kapanatilihan.
Manatili parin at hayaan mo Siyang kumilos para sa iyo.
THOMAS MERTON
Ang pagiging abala ang sakit ng espiritu.
EUGENE PETERSON
Kailangan mong tanggalin nang walang awa ang pagmamadali sa iyong buhay.
DALLAS WILLARD
...lahat ng tao ay kailangan ng sapat na katahimikan at pag-iisa sa kanilang buhay upang paganahin ang malalim na tinig ng kanyang tunay na sarili para ito'y marinig kahit minsan.
THOMAS MERTON
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Dahil sa napakaraming responsibilidad at mga pagkagambala na umaagaw sa ating atensyon, marami sa atin ang nakakagawa ng hindi magandang ikot ng pagpapahinga. Ang resulta, tayo ay nagiging pagod na pagod, nagsusumikap at nagpupumiglas laban sa nais ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gabay na ito, tayo ay tinatawag para sa intensyonal na pagsusuri sa sarili upang tulungan tayong sumulong patungo sa buhay na may layunin at sapat, kasama si Jesus.
More