Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa PanunumbalikHalimbawa

MAGTUON SA PINAGMUMULAN
Kapag binibigyan natin ng oras ang ating sarili upang tingnan ang ating kalooban at unawain ang kalagayan ng ating puso, minsan ang mga natutuklasan natin ay maaaring magdulot ng damdamin ng pagsisisi, kahihiyan, at pagkabigo. Bagama’t ganap itong nauunawaan, hindi ito ang layunin ng Diyos para sa ating buhay. Maaaring makaramdam pa tayo ng pagkapuspos dahil sa dami ng mga lugar sa ating buhay na nakikita nating nangangailangan ng pahinga at kagalingan. Ang magandang balita ay ang tunay na pahinga ay hindi nagmumula sa ating sariling pagsusumikap kundi sa natapos na gawa ng Diyos. Alam natin na ang bakasyon, tulog, o iba pang paraan ng pagpapahinga ay hindi sapat upang lubos tayong mapanumbalik. Kapag ang pagkabagabag ay nasa antas ng kaluluwa, ito’y hindi maaabot ng karaniwang paraan. Kailangan natin ng kakaibang kapangyarihan upang ito’y magamot. Ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng pahinga.
Ngayon, tumuon sa katotohanang ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng pahinga na ating hinahangad. Kailan mo huling pinahintulutan ang iyong sarili na namnamin ang katotohanan kung sino talaga ang Diyos? Madalas tayong nabubuhay batay sa kaalaman na mahalaga ang Diyos, ngunit minsan nakakalimutan nating alalahanin at bigyang-pansin ang Kanyang kuwento. Sa iyong panahon ng katahimikan, magnilay sa Diyos bilang ating pinagmumulan ng pahinga. Magbasa ng mga talata sa Biblia na sumusuporta sa ideyang ito. Hanapin ang mga bersikulong naglalarawan ng mga katangian ng Diyos. Isulat ang mga bagay na pumapasok sa iyong isipan habang ginagawa ito.
Paalaala: Maaaring matukso tayong maniwala na maraming paraan upang makamit ang pahinga ng kaluluwa. Bagama’t maraming paraan upang tayo’y makaranas ng pansamantalang pahinga at magpahinga ng ating katawan, ang tunay na pinagmumulan ng pahinga na ating hinahangad ay nagmumula lamang sa Diyos.
Ikaw ang lumikha sa amin para sa Iyo, at ang aming mga puso ay hindi mapapanatag hangga't hindi ito nakakasumpong ng pahinga sa Iyo.
AUGUSTINE
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Dahil sa napakaraming responsibilidad at mga pagkagambala na umaagaw sa ating atensyon, marami sa atin ang nakakagawa ng hindi magandang ikot ng pagpapahinga. Ang resulta, tayo ay nagiging pagod na pagod, nagsusumikap at nagpupumiglas laban sa nais ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gabay na ito, tayo ay tinatawag para sa intensyonal na pagsusuri sa sarili upang tulungan tayong sumulong patungo sa buhay na may layunin at sapat, kasama si Jesus.
More