Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa PanunumbalikHalimbawa

MAG-IMBENTARYO
Ang ating unang kapansin-pansing punto ng kamalayan pagkatapos ng unang araw ay kung gaano kahirap ang tumigil at manahimik, kahit sa maikling panahon. Ang katotohanang nahihirapan tayong tumigil at magpahinga ay maaaring magbigay sa atin ng damdamin ng pagkabigo. Kailangan nating tingnan ito sa kabaligtaran. Kapag sinubukan nating tumigil at mapagtanto na hindi tayo maaaring tumahimik, ipinapakita nito sa atin ang mga lugar na kailangang pasukin ng Espiritu. Ito ay isang magandang regalo dahil inaalis nito ang misteryo kung bakit tayo nakakaramdam ng pagod at kawalang-kasiyahan. Kapag hindi tayo makapagpahinga, tila ipinahihiwatig nating hindi magagawa ng Diyos ang Kanyang gawain kung wala ang ating tulong.
Ngayon, maglaan ng ilang oras upang mag-imbentaryo ng mga bagay na tila nasa isang estado ng kaguluhan. Mas mainam na humingi tayo ng pagpapanumbalik at pagkabuo kapag natukoy natin ang mga bagay na nangangailangan ng pagpapagaling. Manalangin, at hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang mga lugar sa iyong puso at buhay na maaaring nawawala sa iyo. Isulat ang ilan sa mga kapansin-pansing bagay na lumitaw sa panahon ng iyong katahimikan. Bigyan ang iyong sarili ng pahintulot na tanggapin ang mga bagay na hindi balanse. Bigyan ang iyong sarili ng pahintulot na magdahan-dahan at maglaan ng pansin.
Mag-ingat: Maaaring may tukso na maliitin o bigyang-katwiran ang mga bagay na hindi balanse o nangangailangan ng pahinga sa iyong buhay. Maging ganap na mahina at tapat habang ginagawa mo ang prosesong ito. Isulat ang lahat ng pumapasok sa isip, gaano man kahirap na mapagtanto ang tungkol sa iyong sarili.
Hindi madaling gawain ang lumakad sa mundong ito at makahanap ng kapayapaan. Sa loob-loob natin, tila, may sumasalungat sa mismong takbo ng mga bagay, at tayo ay laging hindi mapakali, hindi nasisiyahan, bigo at nasasaktan. Masyado tayong napupuno ng pagnanais at mahirap makamit and simpleng pahinga.
RONALD ROLHEISER
Dapat na maging handa tayong hayaan ang ating sarili na magambala ng Diyos.
DIETRICH BONHOEFFER
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Dahil sa napakaraming responsibilidad at mga pagkagambala na umaagaw sa ating atensyon, marami sa atin ang nakakagawa ng hindi magandang ikot ng pagpapahinga. Ang resulta, tayo ay nagiging pagod na pagod, nagsusumikap at nagpupumiglas laban sa nais ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gabay na ito, tayo ay tinatawag para sa intensyonal na pagsusuri sa sarili upang tulungan tayong sumulong patungo sa buhay na may layunin at sapat, kasama si Jesus.
More