Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa PanunumbalikHalimbawa

ANO ANG GUSTO NG DIYOS PARA SA ATIN?
Naitatag natin ang ating angkla sa katotohanan na ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng ating kapahingahan. Gayunpaman, kahit na ginagawa natin ito, iniisip natin kung paano ito naaangkop sa ating buhay dito sa lupa. Sa lalong abalang mga iskedyul, mga responsibilidad sa pamilya, at mga obligasyon sa trabaho na laging naroroon, gusto nating malaman kung paano ito praktikal na nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Kadalasan, nabubuhay tayo sa inaakala nating inaasahan ni Jesus mula sa paraan ng ating pamumuhay sa lupa. Kailangan nating maglaan ng ilang oras upang tingnan kung ano talaga ang sinasabi ni Jesus na nais Niya para sa atin.
Sa araw na ito, sa panahon ng iyong katahimikan, tumuon sa katotohanan ng sinasabi ng Biblia tungkol sa pagnanais ng Diyos para sa sangkatauhan sa lupa. Sa halip na mamuhay sa ilalim ng pagpapalagay kung ano ang dapat maramdaman at isipin ng Diyos tungkol sa mga bagay na nangyayari sa loob at paligid ng ating buhay, maglaan ng ilang panahon upang basahin ang Kasulatan para makita ang mga salita ni Jesus, at ng iba pa, na nauukol sa paraan kung paano tayo dapat na mamuhay. Isulat ang mga pananaw na ibinibigay ng Diyos habang binabasa mo ang Kanyang katotohanan.
Babala: Maaaring isipin natin na ito ay isang araw na maaari nating laktawan o balewalain dahil alam na natin ang lahat ng impormasyong ito. Lubos na manalig at uminom nang malalim sa katotohanang binabasa mo. Huwag ipagpaliban ang anumang bagay. Hilingin sa Diyos na magsalita muli sa iyo.
Hindi ka lumalapit sa Diyos dahil Siya ay kapaki-pakinabang, lumalapit ka dahil Siya Siya'y kahanga-hanga. At walang mas kapaki-pakinabang kaysa sa paghahanap sa Diyos na kahanga-hanga.
TIMOTHY KELLER
Tungkol sa Gabay na ito

Dahil sa napakaraming responsibilidad at mga pagkagambala na umaagaw sa ating atensyon, marami sa atin ang nakakagawa ng hindi magandang ikot ng pagpapahinga. Ang resulta, tayo ay nagiging pagod na pagod, nagsusumikap at nagpupumiglas laban sa nais ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gabay na ito, tayo ay tinatawag para sa intensyonal na pagsusuri sa sarili upang tulungan tayong sumulong patungo sa buhay na may layunin at sapat, kasama si Jesus.
More