Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 7 NG 7

Pagtatagumpay sa Hindi Mapagtagumpayan



Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na Siya ay babangon muli galing sa kamatayan. Sa pamamagitan ng paggawa nito—pagtatagumpay sa hindi mapagtagumpayan—hindi lang Niya napatunayan ang katotohanan ng pahayag Niyang iyon kundi pati na rin ang lahat ng mga sinabi Niya. Sa muling pagkabuhay Niya ay nakuha ang nararapat na pananalig natin sa lahat ng inangkin, ipinangako, babala at mga prediksyon ni Cristo.



Dahil buhay si Jesus, tayo ay nakakasigurado na ang ating Diyos ay aktibong kasama natin sa ating buhay. Sa katunayan, nakikita natin ang ebidensiya ng Kanyang pamumuhay sa pamamagitan natin. Tayo ay nagdarasal at ang Diyos ay sumasagot; pinapanood natin Siyang kumilos sa puso ng mga tao at baguhin ang kanilang buhay; hinihiling natin sa Kanya na linisin tayo mula sa ating mga kasalanan at tayo ay nakakalakad palayo na pinatawad—walang kasalanan, at tayo ay nakakaranas ng malalim na pakiramdam ng naibalik na pakikisama sa ating Ama. Bakit? Dahil Siya ay totoo. At kung tunay ang isang bagay, hindi ka nag-aalala tungkol sa pagtatanggol nito. Ipinamumuhay mo lang ito, nananalig ka sa Diyos, at Siya ang bahala sa mga resulta.



Dahil si Jesus ay namatay kapalit natin at muling nabuhay, tayo ay pinatawad na mga anak ng Diyos—at ang Kanyang ginawa para sa atin ay hindi na mababawi pa. Ipinapangako sa Juan 10:28-30, “Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.” Dinig mo ba ang pagkapermanente at garantiya ng pangakong ito? Walang sinuman—kahit sarili mo—ang makakaagaw sa iyo mula sa mga kamay ng Ama sa sandaling mapasakanya ka.



Ipinapangako rin sa Juan 3:16 na, "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."—tuldok. Hindi sinabi ng Diyos na “maliban sa” o “kung.” Sinabi Niya na “buhay na walang hanggan.” Ibig sabihin nito ay magpakailanman, hindi mababawi, at 100 porsyentong sigurado. At iniaalay Niya ito sa kaninumang naniniwala. Dahil si Jesus ay bumangon mula sa katotohanan, makakaya nating magpatuloy maglakbay pasulong nang may pananalig na kung magtiwala tayo sa Kanya bilang Tagapagligtas, tayo ay mamumuhay at maghahari kasama Siya magpakailanman.



Nawa ang ating nabubuhay na Tagapagligtas ay magbigay paalala sa iyo ngayon at araw-araw sa mga kasiguruhan ng krus at ng Kanyang muling pagkabuhay, at nawa'y pasiglahin Niya nang husto ang iyong puso, ng masagana at ng walang katapusang ligaya.






Isang Pangwakas na Panalangin



Ama sa langit, salamat sa Iyong regalo na Iyong Anak buhay na walang hanggang binili para sa akin sa Kalbaryo. Sa tuwing mag-aalinlangan ako sa Iyong pagmamahal sa akin, tulungan Mo akong tandaan na wala Kang ipinagkait—kahit na si Jesus—upang gumawa ng paraan para makasama Kita magpakailanman. Tulungan Mo akong mamuhay sa ilaw ng ebanghelyo, patay sa kasalanan at ibinangon sa bagong pamumuhay kasama ang Diyos. At sa bagong buhay na ito, gamitin Mo ako bilang Iyong embahador na mamamahagi ng magandang balita ng kaligtasan sa iba. Amen.



Mag-clickdito upang i-download ang mas pinalawak na kopya ngCross & Crown para sa iyong smartphone, tablet, o e-reader.


Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagn...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya