Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 1 NG 7

Ang Natatanging Dugo ni Jesus



Kailan ka ba huling nakarinig ng sermon o kumanta ng awit tungkol sa dugo ni Jesus? Ilan sa mga simbahan ngayon ang nagsasabi na ang konseptong ito ay makaluma at nakakapangilabot pa nga. Ang mga kanta na binabanggit “ang dugo” ay tinanggal mula sa mga himnaryo. Ngunit kung wala ito, walang pag-asa na magkaroon tayo ng relasyon sa Diyos, walang kasiguruhan ng kaligtasan, at walang pananalig na pinapakinggan ang ating mga dasal.



Ang Banal na Kasulatan ay hindi nahihiyang banggitin ang tungkol sa dugo. Sa katunayan, tila isang pulang sinulid itong tumatakbo mula Genesis hanggang Pahayag. Kung tatanggalin mo ang mga pagtukoy patungkol sa dugo mula sa Biblia, ang matitira lamang ay isang libro ng kasaysayan at literatura. Anumang bagay na itinuturing na mahalaga ng Diyos ay hindi dapat balewalain. 



Sinasabi sa Levitico 17:11 na ibinigay ng Diyos ang dugo bilang pantubos dahil ang “buhay ng laman” ay nasa loob nito. Ang salitang “pantubos,” ayon sa paggamit nito sa Lumang Tipan, ay nangangahulugang “tinatakpan.” Sa pamamagitan ng masakripisyong sistema ng pagsamba na itinatag ng Diyos, ang kasalanan ng sangkatauhan ay tinakpan ng dugo ng mga inosenteng hayop.



Ang kabigatan ng kasalanan ay isiniwalat sa pamamagitan ng napakalaking halaga ng pagtubos—ang parusa ay kamatayan; at ito ay dapat bayaran ng nagkasala o ng katanggap-tanggap na kapalit. Upang matakpan ang mga pagsuway, ang mga hayop na iniaalay ay kailangang walang kapintasan at perpekto. Bawat sakripisyo na inialay sa altar ay isang katuparan ng parusang kamatayan na kinakailangan ayon sa batas ng Diyos.



Ang sistemang ito ng pagsasakripisyo ay nagturo sa mga tao na ang Diyos ay banal, ang pagsuway ay dapat parusahan, at ang pagtubos para sa kasalanan ay nangyayari lamang sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo. Ang kaayusang ito ay isang pagpapakita kung ano ang paparating. Dahil ang pagsasakripisyo ng mga hayop ay para lang sa mga kasalanan, isang “panghuling kordero” ang kinakailangan upang tanggalin ang buong pagkakasala ng tao.



Isang araw habang si Juan na Tagapagbautismo ay nakatayo sa Ilog ng Jordan, “ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan” ay nagpakita sa kasaysayan ng tao(Juan 1:29). Ang perpektong sakripisyo para sa lahat ng mga kasalanan ay dumating. Siya ay “nakilala na bago pa nabuo ang mundo” at naparito sa mundo upang isakatuparan ang kahanga-hangang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang natatanging dugo(1 Pedro 1:18-20).



Si Jesus ay hindi lang isang tao; Siya ay Anak ng Diyos na nagkatawang tao. Ang Kanyang kapanganakan ay isang himala dahil Siya ay ipinanganak sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa sinapupunan ng isang birhen. Dahil walang kasalanan ang nalipat sa Kanya sa mula sa isang ama mula sa lupa, si Jesus ay ang perpekto, walang dungis na Kordero ng Diyos—ang Kanyang buhay lamang ang natatanging walang kapintasan, samakatuwid, ang tanging naaangkop na sakripisyo para sa kasalanan ng sangkatauhan.


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagn...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya