Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 2 NG 7

Pagkatubos at Kapatawaran



Hiwalay sa dugo ni Cristo, walang sinuman ang pwedeng makipagrelasyon sa Ama natin sa langit. Dahil ang Diyos ay banal, ang ating mga kasalanan ay pumipigil sa ating pagkakataong makipag-ugnayan sa Kanya. Pero sa pag-ibig, nagplano Siya at pinasimulan ang isang paraan para muling makipag-ugnayan sa sangkatauhan. Ang dugo ni Cristo ang nagbibigay ng lahat ng ating kinakailangan upang mapalapit sa ating Ama.



Ang “pagtubos” ay nangangahulugang “bilihin pabalik.” Si Jesu-Cristo ay nagpapako sa krus para sa pangunahing layunin na pagbili sa atin mula sa isang buhay na pagkakaalipin sa kasalanan. Siguro ay iniisip mo na ikaw ay mabait na tao at hindi inaalipin ng kasalanan. Ngunit kahit gaano kabuti sa paningin ang isang tao, ang bawat tao ay may makasalanang kalikasan(Rom. 3:23).



Upang tayo ay mapalaya, isang halaga ang dapat bayaran. Pero kanino? Hindi binayaran ni Jesus ang demonyo; Kanyang binayaran ang halagang kinakailangan ng Diyos upang matupad ang Kanyang banal na katarungan. Ayon sa Ezekiel 18:20, “Ang nagkasala ang dapat mamatay.” Ang kabayaran ng ating pagkatubos ay ang dugo ng perpektong Anak ng Diyos—at ginawa Niya ang pagsasakripisyong kapalit ng buhay natin. Dahil tinaggap ng Diyos ang kabayarang ito ni Cristo, tayo ay pinalaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan at natanggap ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu, na nagbibigay kakayahan sa atin na mamuhay nang malaya sa pagsunod sa ating Ama.



Ngayon, pagdating sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, karamihan sa mga tao ay may ideya na papatawarin sila ng Diyos dahil lamang hinihingi nila ito sa Kanya. Ang maaaring hindi nila naiintindihan na ang basehan sa Kanyang pagpapatawad ay hindi ang paghingi nila ng kapatawaran kundi ang pagbabayad ni Jesus sa kanilang mga utang. Hindi pwedeng magpatawad ang Diyos dahil lamang hinihingi ito sa Kanya. Ang Kanyang kabanalan ay hindi nagpapahintulot na pabayaan lamang ang kasalanan; ito ay dapat parusahan. Ang Kanyang katarungan ay hindi nagpapahintulot na Siya ay magpatawad ng mga kasalanan na walang kabayaran.



Sa pamamagitan lamang ng kapalit na pagkamatay ng perpektong Anak ng Diyos kaya nagkaroon ng lehitimong basehan ang Ama na magpatawad ng sinumang
lumapit as Kanya na may pananampalataya at pagsisisi (Mga Taga-Efeso 1:7). Wala tayong pwedeng gawin upang makuha ang Kanyang kapatawaran. Nakukuha lamang natin ito sa pagbubuhos ng dugo ni Cristo sa ating buhay.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagn...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya