Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 6 NG 7

Dahil Siya ay Nabubuhay



Ang katotohanan na si Jesu-Cristo ay bumangon mula sa kamatayan ay nagbibigay sa atin ng ganap at tiyak na pundasyon sa lahat ng ating pinaniniwalaan. Unang-una, tayo ay may pananalig sa kaalamang buhay ang ating Diyos. Si Jesus ay hindi isang simpleng naglalakbay na mangangaral o guro; inangkin Niya na Siya ang Mesiyas, ang Anak ng buhay na Diyos (Mateo 16: 16-17). Sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo na ang nakakakita sa Kanya ay nakakakita sa Ama(Juan 14:9); sa katunayan, isa ito sa mga dahilan kung bakit Siya ay pumarito—upang ipakita sa atin ang Ama sa langit para maintindihan natin sino talaga Siya.



Lahat ng ibang sistema ng paniniwala ay may kani-kanilang mga diyos, ngunit alam natin kung saan inilibing ang kanilang mga pinuno, kung saan maitatanong natin ang tungkol sa kanilang "pagka-diyos.” Si Cristo ay bumangon mula sa kamatayan upang patunayan at tuluyang pagtibayin na ang ating Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Manlilikha ng lahat ng mga bagay. Siyang gumawa ng bawat isa sa atin ay hindi pwedeng mabuo galing sa atin. Siya na ating sinasamba ay buhay—hindi patay, walang buhay o isang ideya na inisip lamang sa isipan ng Diyos. Pag-isipan mo: Hangga't hindi ka naniniwala na si Jesu-Cristo ay nabuhay muli, sumasamba ka lang sa iba o sa wala, isang sitwasyon na tinatawag ni Isaiaa na kalokohan at tinatawag ni Pablo na nakakaawa. Bakit? Dahil sa simpleng rason na ang mga taong wala ang nabubuhay na Cristo sa kanilang buhay ay walang kasiguruhan sa kahit anumang bagay.



Maaaring nagtataka ka, Kung buhay si Cristo, nasaan na Siya? Anong ginagawa Niya? Malinaw na sinasabi sa Banal na Kasulatan na si Jesus ay nakaupo sa kanang kamay ng Ama, namamagitan para sa ating kapakanan (Mga Hebreo 7:25; 10:12). Siya ay nabubuhay na Diyos na nagmamalasakit, nagmamahal, nakikinig at sumasagot sa ating mga dasal. Siya ang mapagpatawad na Panginoon, patuloy na nagtatanggol sa atin. Bukod pa rito, ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na Anak, na naghahanda ng lugar para sa bawat isa na naniniwala sa Kanya (Juan 14:2). Siya rin ang bumangon na Tagapagligtas na nangako sa Kanyang mga disipulo na, kahit Siya ay aalis, hindi Niya iiwanan sila na parang mga ulila—sinigurado ni Jesus sa kanila na Kanyang ipapadala ang Banal na Espiritu upang turuan at gabayan ang bawat isa sa mga sumusunod sa Kanya hanggang sa muling pagbalik Niya(Juan 14:16, 18).



Ngayon, bawat isang mananampalataya ay tinitirahan ng Banal na Espiritu ng nabubuhay na Diyos, na nagsisimula sa sandali tanggapin niya si Cristo bilang Tagapagligtas. Bilang mga Cristiano, tayo ay tinatakan magpakailanman hanggang sa araw ng pagtutubos kung saan tayo ay tatawagin pauwi sa langit. Ang ating Diyos ay buhay at aktibo sa buhay ng Kanyang mga anak, at handa Siyang iligtas ang sinumang handang aminin ang kanyang mga kasalanan at tanggapin ang regalo ng kapatawaran na ibinibigay Niya nang walang bayad.


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagn...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya