Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 3 NG 7

Pagbibigay-katwiran at Pagkakasundo



Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay-babala sa atin na ang matinding galit ng Diyos ay darating sa makasalanang sangkatauhan (Mga Taga-Roma 5:8-10), ngunit ang mga taong binigyang-katwiran ng dugo ni Cristo ay maliligtas mula sa kakila-kilabot na parusa. Ang pagbibigay-katwiran ay nangangahulugang ang Ama ay tinatanggap ang kamatayan ng Kanyang anak bilang buong kabayaran para sa ating mga kasalanan (Mga Taga-Roma 3:23-26). Si Jesus ay ang kapalit dahil Siya ang walang sala na Kordero ng Diyos.



Bukod dito, tayo ay idineklarang matuwid sa mata ng Diyos. Isipin mo na lang na ito ay isang legal na transaksyon kung saan inilagay ni Jesus lahat ng ating kasamaan sa Kanyang pananagutan at binayaran nang buo. Pagkatapos, kinuha Niya ang tala ng Kanyang perpektong buhay at itinuring na sa atin ito. Ngayon sa tuwing tayo ay titingnan ng Diyos, ang tanging nakikita lamang Niya ay ang pagkaperpekto ni Cristo. Wala na tayong mga kasalanan at idineklarang matuwid ayon sa batas, kahit na hindi lagi tayo kumikilos nang ganito.



Isang hindi kapani-paniwalang pribilehiyo ang maging matuwid sa mata ng Diyos! Ngayon, hindi ibig sabihin nito na ang mga mananampalataya ay maaaring gawin kahit anong gusto nila. Tandaan, “sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos." (1 Mga Taga-Corinto 6:20). Tayo ay mga anak ng Diyos, ngunit kung tayo ay kumikilos na parang mga anak ng demonyo, ang ating Ama sa langit ay matapat na magbibigay-disiplina sa atin upang ibalik tayo sa ating katinuan. Ang regalo ng Diyos na katuwiran ay nararapat na mag-udyok sa atin na mamuhay na nagpapakita ng walang kamaliang katayuan sa harap ng Diyos.



Kapag ang isang relasyon na puno ng hiwalayan at pagkakalayo ay naging isang relasyon ng pagtanggap at pagpapanumbalik, ang pagbabagong ito ay tinatawag na “pagkakasundo.” Sa sandaling si Adan at Eva ay sumuway sa Panginoon, ang relasyon sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan ay nasira, ngunit ang Ama ay nagkusang maayos ang relasyong ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak sa ating mundo. Sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa krus, si Cristo ay ginawang posible ang pagkakasundo sa Kanyang pagtatatag ng kapayapaan sa pagitan ng Diyos at tao. Bukod niyan, inihaharap Niya tayong walang sala sa harapan ng Ama (Mga Taga-Colosas 1:19-22). Lahat ng mga nakaharang ay tinaggal at ang matalik na relasyon sa Panginoon ay makukuha ng lahat ng naniniwala.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagn...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya