Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 5 NG 7

Ang Muling Pagkabuhay—Bakit Mahalaga Ito



Ano kaya kung hindi bumangon muli si Jesu-Cristo mula sa kamatayan? Saan tayo mapapadpad nito? Anong kasiguruhan mayroon tayo tungkol sa kahit anong bagay sa buhay? Ang ating pananalig, mga saloobin, at ang pag-asa sa ating buhay pagkatapos ng kamatayan ay maapektuhan.



Alam ng Diyos na ang muling pagkabuhay ni Jesus ay maglalagay ng maraming katanungan sa ating mga isipan; kaya ginabayan Niya si Pablo upang magbigay sa atin ng mga kasagutan. Sa 1 Mga Taga-Corinto 15:14, hinarap ni Pablo ang pangunahing isyu: Ano kaya kung ang muling pagkabuhay ay hindi nangyari? Isinulat niya na, "At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya."



Ibig sabihin nito ay kung hindi nangyari ang muling pagkabuhay ni Jesus, ang ating pananampalataya ay walang kabuluhan at walang batayan; tayo ay mga huwad na saksi, nagpapakalat ng mga kasinungalingan; lahat ng ating mga pagsisikap para sa ating pananampalataya ay walang katuturan; at ang pagbabasa ng Banal na Kasulatan at ang pagbabahagi ng magandang balita ay isang malaking aksaya ng oras (1 Mga Taga-Corinto 15:17). Lahat ng mga sumusunod kay Cristo na namatay na naniniwalang sila ay nakatadhanang makakuha ng buhay na walang katapusan ay simpleng nawala lang, ang pag-asa nila para sa langit ay isa lamang delusyon (1 Mga Taga-Corinto 15:18). Higit sa lahat, tayo ay mananatiling nabubuhay sa kasalanan natin (1 Mga Taga-Corinto 15:17), nasa ilalim pa rin ng pagkakasala, at utang ang ating buhay bilang kabayaran sa ating mga kasalanang nagawa (Mga Taga-Roma 6:23). Ipinapahayag ni Pablo ang kabuuan nito na “Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao." (1 Mga Taga-Corinto 15:19).



Isang malaking pagpapasalamat natin na ang ating pag-asa ay umaabot sa kabilang buhay dahil si Jesus ay tunay na bumangon muli mula sa kamatayan. Ang Diyos, sa Kanyang karunungan, ay nag-iwan sa atin ng isang hindi maikakailang ebidensiya. Una, ang kanyang libingan ay binantayan ng mga guwardiyang Romano, na mahahatulan ng kamatayan kung sakaling hindi nila matutupad ang kanilang tungkulin. Bagaman ito ay ginawa para mapigilan ang mga taga-sunod ni Cristo na nakawin ang Kanyang katawan at maling pag-angkin na Siya ay muling nabuhay (Mateo 27:62-66), gayunpaman ang libingan ay naiwang walang laman. Isa pang indikasyon ay ang mga buhay na nabago—isang makabuluhang kaganapan ang nangyari upang ang mga matatakuting disipulo ni Cristo ay maging mga matatapang na taga-pahayag ng ebanghelyo sa kabila ng marahas na pagbabanta (Juan 20:19).



Pinakamahalaga, si Jesus mismo ay nangako na muling babangon mula sa kamatayan ( Mateo 16:21). Inangkin Niya na Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30), kaya maaring Siya nga ay tunay na Anak ng nabubuhay na Diyos, o kung hindi, Siya ay isang sinungaling. Subalit sinasabi ng kasulatan, hindi kailanman Siya nagsinungaling (Juan 14:6). Lahat ng Kanyang ipinangako at sinabing mangyayari ay nagkatotoo, tulad ng sinabi Niya, maliban na lang sa mga propesiyang hindi pa nangyayari (tulad ng Kanyang pagbabalik). Lahat din ng mga ito, ay isang araw mangyayari tulad ng Kanyang sinabi dahil walang kasinungalingan sa walang sala na Anak ng Diyos (Juan 7:18).


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagn...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya