Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 30 NG 46

Pandita Ramabai (India, 1858-1922) Ilang taon na ang nakakaraan noong ako'y nagkaroon ng matibay na paniniwala na ang pinanghahawakan ko ay isang paniniwalang pangkaisipan lamang- isang paniniwalang walang buhay. Ang pananaw na ito ay nagpapalagay na ang kaligtasan ay nasa hinaharap pagkatapos ng kamatayan; at dahil dito ang aking kaluluwa ay hindi pa dumadaan sa "paglampas mula sa kamatayan patungo sa buhay." Ipinakita sa akin ng Diyos kung gaano kapanganib ang aking katayuan, at kung gaano ako'y kaaba at nawawala, kung gaano kalaki ang aking pangangailangan upang makamit ang kaligtasan sa kasalukuyan, at hindi sa darating na panahon pa. Napakatagal ng ginawa kong pagsisisi; naging balisa ako at halos magkasakit at maraming mga gabi ang dumaan na hindi ako makatulog. Ganoon na lang ang paghawak sa akin ng Banal na Espiritu na hindi ako magkaroon ng kapahingahan hangga't hindi ko natagpuan ang kaligtasan sa oras ding iyon. Kaya't mataimtim akong nanalangin sa Diyos upang patawarin ang aking mga kasalanan alang-alang kay Hesukristo at maunawaan kong ang aking kaligtasang ay tunay na nakamit ko lamang sa pamamagitan Niya. Naniwala ako sa pangako ng Diyos at pinanghawakan ko ang Kaniyang salita, at nang magawa ko ito, nawala ang kabigatang nararamdaman ko, napagtanto kong ako'y napatawad na, at napalaya na mula sa kapangyarihan ng kasalanan.

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056