Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 1 NG 46

Ano ang Mahal na Araw? Para sa ilang Cristiano, ang Mahal na Araw ay naging bahagi na ng kanilang buhay espiritwal, ngunit para sa iba, wala silang nalalaman tungkol dito. Ang Mahal na Araw ay ang kapanahunan na patungo sa Pasko ng Pagkabuhay. Ito ang panahon kung kailan inihahanda ng mga Cristiano ang kanilang mga puso para sa darating na Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagbulay-bulay, paghingi ng kapatawaran at panalangin. Ang Mahal na Araw ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo at nagpapatuloy sa loob ng apatnapung araw, hindi kasama ang mga araw ng Linggo, at nagtatapos sa Biyernes Sanato at Sabado de Gloria. Dahil ang mga araw ng Linggo ay siyang lingguhang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Jesus, ang anim na araw ng Linggo ay hindi ibinibilang na bahagi ng apatnapung araw ng kapanahunang ito, na nagtutuon ng pansin sa pagsisiyasat ng sarili, pagsusuri sa sariling buhay at paghingi ng kapatawaran. Maraming mga Cristiano ang nagpapasyang mag-ayuno sa kabuuan ng kapanahunan ng Mahal na Araw, subalit ang kanilang tampulan ay hindi ang pagkakait sa kanilang sarili ng isang bagay kundi ang paglalaan nila ng kanilang mga sarili sa Diyos at sa kanyang mga layunin sa daigdig. Ang Mahal na Araw ay isang mahalagang panahon sa taon ng iglesia. Ang taon ng iglesia ay isang magandang paraan upang matulungan tayong ituon ang ating mga pansin sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasaayos natin sa ating oras. Sa halip na sundan natin ang kalendaryong nakabase sa pag-ikot ng araw na siyang mas alam na natin, na nakabase sa ritmo ng kalikasan, ang kalendaryo ng iglesia ay nakabase sa Diyos at sa kanyang mga gawain sa daigdig. Ang kalendaryo ng iglesia ay sumusunod sa anim na kapanahunan na may iba't-ibang haba: Adbento, Kapaskuhan, Pista ng Tatlong Hari, Mahal na Araw, Pasko ng Pagkabuhay at ang Pentekost. Ang bawat isa sa mga panahong ito ay may iba't-ibang pokus: Ang Adbento ay tumutuon sa pag-asa sa pagdating ng Diyos sa mundong ito, maging sa pagkakatawang-tao ni Cristo at sa kanyang muling pagbabalik. Nakatuon naman ang pansin ng Kapaskuhan sa kapanganakan ni Cristo. Ang Pista ng Tatlong Hari ay nakatuon sa liwanag ng presensya ng Diyos na siyang nagbigay-ningning sa mundo. Ang Mahal na Araw ay nakatuon sa kasalanan ng sangkatauhan at sa biyayang kalutasan na ipinagkaloob ng Diyos. Ang tampulan ng Pasko ng Pagkabuhay ay ang pagkabuhay na muli ni Cristo. Ang Pentekost ay nakatuon sa patuloy na gawain ng Banal na Espiritu sa daigdig natin. Ang taunang ritmo ng mga kapanahunang ito ay maaaring magkaroon ng makapangyarihang resulta sa pansarili at pangkalahatang espiritwal na paglago ng mga tao. Kung kayo'y nasiyahan sa debosyonal na ito tungkol sa Mahal na Araw, maaari ninyong siyasatin ang "Holy Bible: Mosaic", isang sulating Biblia na kasama ang lahat ng mababasa ninyo sa debosyonal na ito at ang mga likhang sining na punung-puno ng kulay pati ng mga babasahin para sa bawat linggo ng taon ng iglesia.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056