Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Ang Amoy ng Kasalanan (Timothy G. Walton)
Isa sa mga naunang Amerikanong tagapangaral ang naglakbay sa bayan -bayan habang ipinangangaral ang mensahe ng Ebanghelyo. May mga nakasaksi sa kaniya na habang papalapit siya sa labasan ng isang bayan, ay hihinto siya nang sandali at sasabihin, naaamoy ko ang impiyerno! Kung malakas ang ating pakiramdam, para nga bang amoy impiyerno ang mundo para sa atin? Ang bagay na ito ay napakabanyaga sa panahong ito. Ngunit ang kakaibang amoy na ito ay tumatagos sa mundong ating kinaroroonan dahil sa resulta ng kasalanan nina Adan at Eva.
Ano ang pananaw mo tungkol sa kasalanan? Iba't-ibang malikhaing pamamaraan ang nagiging tugon ng mga tao pagdating sa kasalanan. Ikinakaila nila ito. Minamaliit nila ito. Pinangangatuwiranan nila ito. Sinisisi nila ang iba dahil dito. Si Duke, isang kathang-isip na tauhan sa "The Thirteen Clocks" ni James Thurber ay inamin ito, "Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang maliliit na kahinaan; nagkataon lamang na ang sa akin ay ang pagiging masama."
Bakit nga ba makasalanan ang kasalanan? Sino ang may sabing ang kasalanan ay kasalanan? Sa mismong pagtawag lamang sa kasalanan na ito ay kasalanan, ay nagpapahiwatig ng isang pamantayan. Kung ang isang tagapag-pasunod sa trapiko ay pinahinto ka dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan, nagpapahiwatig ito na may isang opisyal na karatula mula sa pamahalaan na nagtatakda ng bilis ng pagtakbo, at ito ay nilabag mo. Ang pamantayan para sa mabuting asal para sa buong sangkatauhan ay makikita sa banal na katangian ng Diyos.
Ang mundong ito na nangangamoy kasalanan ay nangangamoy kamatayan din. Sinasabi sa Biblia na ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan. Ang kasalanan ay naghahatid ng kamatayan. May kamatayan sa Hardin. Hindi naman bigla na lang bumulagta at namatay sina Adan at Eva noong kainin nila ang ipinagbabawal na bunga, ngunit dalawang bagay ang agad-agad na nangyari: Ang punla ng pisikal na kamatayan ay naitanim sa kanila. Dalawang nilalang na walang kapintasan, na nilikha upang habambuhay na manatiling bata ay nagsimulang tumanda at sa kalaunan ay mamamatay. Nakaranas din sila ng espiritwal na kamatayan. Ang kanilang malapit at magiliw na kaugnayan sa Panginoon ay namatay din. Sa sumunod na tagpo sa Genesis 3 ay makikitang nagtatago sa palumpong sina Adan at Eva upang hindi sila makita ng Diyos. Bagama't hindi nila napagtanto noong oras na iyon, ang tanging pag-asa nila ay ang gumawa ng isang kabayanihan ang Diyos upang iligtas sila at ibalik sila sa magandang pakikipag-ugnayan sa Kaniya. Nang maghandog ang Diyos ng dalawang hayop at inihayag Niya ang pagdating ni Hesukristo, ang Tagapagligtas, (Genesis 3:15), ito nga ang mismong ginawa Niya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056
Mga Kaugnay na Gabay

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Paglilinis ng Kaluluwa

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)

Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng Diyos

BibleProject | Si Jesus & Ang Bagong Pagkatao

Ang Apat Na Tula
