Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 34 NG 46

Pag-aayuno Para sa maraming mga Kristiano, nakaugalian na ang mag-ayuno mula sa kung anu-anong uri ng kaluguran o kalayawan tuwing panahon ng Kwaresma. Kapag nagpapasya tayo kung saang bagay mag-aayuno, madalas nating pinipili yaong bagay na sa palagay natin ay nakakahadlang sa ating paglago sa ating relasyon kay Jesucristo. Ngunit ang mga sinaunang anyo ng pag-aayuno - pag-iwas sa pagkain o pagkakaroon ng mahigpit na pagtatasa ng pagkain - ay hindi ginawa upang tanggalin ang mga makasalanang layaw sa buhay ng tao. Marahil sa pagkawala ng nakagawiang pag-aayuno, ay nawala na rin ang kaunawaan natin kung ano ba ang ating natatamo sa kusang-loob na pagsusuko ng mga bagay na itinuturing nating pangangailangan natin. Sa buong kasaysayan ng Bibliya at ng Kristianismo, marami ang nagsagawa ng pag-aayuno sa katamtamang panahon na di nakapipinsala sa kalusugan. Totoo, ang pag-asa sa kagyat na kaluguran sa ating kultura ay hindi ganoon kaganda ang tingin sa pagtatakwil sa nagbibigay ng sustansya sa katawan. Ngunit hindi kaya ang Diyos ay may nais ipahayag sa atin sa panandaliang pagkakait natin sa ating sarili?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056