Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 15 NG 46

John Cassian (Ehipto, 365-435) Ito ay isang bagay na isinalin sa amin ng mga sinaunang Ama sa pananampalataya at ipinapasa namin sa iilang grupo ng mga taong nais itong malaman: Upang mapanatili ang Diyos sa iyong isip ay kailangan mong kapitan itong katotohanan: "Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas,tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!" [Mga Awit 70:1]. May magandang dahilan kung bakit napili itong bersikulong ito mula sa buong Bibliya. Nakapaloob dito ang lahat ng damdamin na maaaring magkaroon ang isang tao. Maaari itong gamitin sa anumang pagkakataon at ipanglaban sa anumang tukso. Nakapaloob dito ang isang panaghoy sa Diyos sa harap ng panganib. Ipinapahayag nito ang kababaang loob ng maka-Diyos na pag-amin. Ipinapahayag nito ang agap na bunga ng walang hanggang pag-aalala at takot. Waring hinahayag nito ang ang ating marahang pagkatao, ang kasiguruhan ng pagdinggin, ang pananalig na ang saklolo ay naririyan palagi. Ang isang taong palaging nakatawag sa kaniyang tagapagtanggol ay tunay na nakasisigurado na siya'y malapit sa kaniya. Ito ang boses na puno ng alab ng pagmamahal at pagkalinga. Isa itong pag-iyak na puno ng takot na batid ang mga patbong ng kaaway, iyak ng isang taong araw at gabi ay nananangis at batid niyang walang lunas ang kaniyang kalagayan kung wala ang kaniyang manliligtas. Ang maiksing bersikulong ito ay isang matibay na sandigan para sa mga taong inaatake ng demonyo. Isa itong baluting na hindi nabubutas at pinakamatibay sa lahat ng mga panangga. Anuman ang pagkamuhi, dalamhati, o lungkot sa ating isipan, hinahadlangan ng mga salitang itong mawalan tayo ng pag-asa sa ating kaligtasan sapagkat ipinapakita nito kung kanino tayo tumatawag, Siya na nakakakita ng ating pakikipagsagupa at kailanma'y hindi nalayo sa mga taong nananalangin sa Kaniya. Sa panahon namang ang ating mga espiritu ay nasa mabuting kalagayan, kung mayroong kasiyahan sa ating mga puso, binabalaan tayo ng bersikulong itong huwag magmalaki na ang lahat ay nasa ayos, isang bagay na hindi mangyayari kung wala ang proteksiyon ng Diyos. Ang bersikulong ito ay nagpapatunay lamang na napakahalaga para sa bawat isa sa anumang pagkakataon. Sapagkat ang isang taong nangangailangan ng tulong ay nagpapatunay na talagang kailangan ang tulong ng Ama hindi lamang sa mahihirap na kalagayan ngunit sa masasayang panahon din. Alam niyang inililigtas tayo ng Diyos mula sa kagipitan at pinananatili ang ating kagalakan. Sa parehong kalagayan ay hindi kakayaning mabuhay ng tao kung wala Siya.

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056