Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 14 NG 46

Panalangin mula kay Dietrich Bonhoeffer (Germany, 1906-1945) O Diyos, sa umaga pa lamang, ako'y nananangis na sa Iyo. Tulungan mo akong manalangin; at ituon ang aking isipan sa Iyo; hindi ko kayang gawin ito sa aking sariling kakayanan lamang. Ang kadiliman ay nakapaloob sa akin, ngunit sa Iyo ay makikita ang liwanag; ako'y nalulumbay, subalit hindi Mo ako iniiwan; nanghihina ang aking puso, subalit kapag kasama Kita nariyan ang tulong Mo; ako'y balisa, subalit sa Iyo, mayroon akong kapayapaan. Ang kapaitan ay nasa akin, subalit nasa Iyo ang pagtitiyaga; hindi ko nauunawaan ang Iyong mga pamamaraan, ngunit batid Mo ang landas para sa akin.... Ibalik Mo ako sa pagiging malaya, at hayaan Mong mabuhay ako ngayon upang ako'y makapanagot sa harapan Mo at sa harapan ng mga tao. Panginoon, anuman ang dalhin ng araw na ito, ang pangalan Mo ang laging mapapurihan. Amen.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056