Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 16 NG 46

Umasa ka sa Akin (Karen Sloan) "Umasa ka sa akin." Ibinibigay ng Diyos ang paanyayang ito para sa iyo at sa akin sa bawat sandali ng ating buhay. Maaari nating piliing tumugon ng, "Diyos ko, iligtas Mo ako! Halika na, Panginoon ko, at ako ay tulungan Mo." Ngunit para sa akin, kadalasang nakatuon ang aking mga mata sa aking sarili. Naiipit ako ng mga bagay na naisakatuparan ko na at ng mga bagay na hindi ko pa natatapos. Naniniwala akong ang mga pangyayari ay bunga ng sarili kong kakayanan o kaya naman ay sanhi ng sarili kong pagkukulang. Kapag ang buhay ay lahat tungkol sa akin, bulag ako sa katotohanan ng aking buong pag-asa sa aking Maykapal. Ang ingay ng kayabangan at pagkabalisa ay nakabibingi sa tawag na sumandal ka sa kanyang walang-hanggang mga braso. Tayo'y ginawa ng Diyos na maging lubos na umaasa sa kanya. Iyo'y isang lubos na pagtitiwala na may dalawang bahagi - una, patungo sa Diyos, and ang ikalawa, sa pamamagitan ng mga taong ipinapadala ng Diyos sa ating buhay. Ang ating pamumuhay sa mundong ito ay isang pamumuhay na may pagkaka-ugnay-ugnay, at hindi isang pamumuhay nang nakahiwalay.Nang mabuhay si Jesus sa mundong ito bilang Diyos at tao rin, ibinuhay niya ang sukdulang buhay ng tuluy-tuloy na pag-asa sa kanyang Ama, ngunit umasa rin siya sa inilaan sa kanya ng Ama sa pamamagitan ng ibang tao. Nabuhay si Jesus bilang tao sa pamamagitan ni Maria, na ibinigay sa kanya ng Diyos. Unang dinala ni Maria si Jesus sa kanyang sinapupunan at pagkatapos nito ay sa kanyang mga kamay. Ang pagkain ni Maria ang unang pagkaing tinanggap niya. Siya ang naghanda ng kanyang pang-araw-araw na tinapay at inaruga siya ng buong puso ni Maria - Nang si Jesus ay nasa sapat na gulang na, umasa siya sa malaking komunidad upang maisakatuparan ang gawain kung saan siya ay tinawag. Isang batang lalaki ang nagbigay ng limang pirasong tinapay at dalawang pirasong isda na makakapagpakain sa limang libo. Humingi si Jesus ng tubig sa babaeng nasa tabi ng balon - at umasa sa kanya upang ang Ebanghelyo ay mapalaganap sa buong bayan ng mga Samaritano, na naging daan upang maraming maniwala sa kanya. Nang siya ay mapuspos ng dalamhati sa halamanan ng Getsemani, humanap ng kaaliwan si Jesus sa kanyang mga kasamahang sina Pedro, Santiago, and Juan, kahit na sila'y nakatulog noong panahong lubos silang kailangan ng Panginoon. Nang si Hesus ay namatay sa krus, naroon si Maria kasama ang ilang kababaihan at si Juan, marahil ay upang mahawakan ang kanyang katawan sa huling pagkakataon. Tinawag ni Hesus ang Kaniyang mga alagad upang ipagawa ang isa pang bagay para sa Kaniya - ang maalagaan ang Kaniyang ina. (Juan 19:26-27). Maging ang Kaniyang libingan ay isang handog mula sa Kaniyang mga taga-sunod (Mateo 27:59-60). Subalit si Hesus ay hindi nanatili sa libingan ng higit pa sa tatlong araw. Sapagkat Siyang inaasahan ni Hesus ng higit sa lahat ay ibinangon Siya mula kamatayan tungo sa pagkabuhay. May kalayaan sa iyong pagpapakandili. Binibigyan tayo nito ng kakayanang tanggapin ang ating mga kahinaan. Hindi na atin kailangan magtago dahil sa kahihiyan o sa ating sariling kasapatan. Ikaw at ako ay maaaring piliin ang pag-asa sa ating Ama maging sa gitna ng kapinsalaan o sa mga kaiga-igayang mga pangyayari, habang nananalangin, "Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas, tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!" (Mga Awit 70:1). Sumasandal tayo sa ating pag-asa sa Panginoon, umaasa tayo sa mga taong pinakamalapit sa atin, at sumasandal tayo sa mga banal na taong nauna na sa atin sa pananampalataya. Anim na daang taon na ang nakalilipas, isang Kristiyanong pinuno na taga-Europa na nagngangalang John Cassian ang naglathala ng isang salaysay tungkol sa kanyang naging pakikipag-usap sa isang monghe na naninirahan sa disyerto sa Gitnang Silangan. Isang mas nakatatandang monghe, na nagngangalang Isaac, ang nagbahagi sa nakababatang si John ng panalanging ito mula sa Mga Awit 70 noong bumisita ito sa kanilang monasteryo. Ang aklat ni John - at ang panalangin ni Isaac - ay ganoon na lamang ang naging impluwensya na kahit hanggang ngayon, maraming mga Kristiano sa buong mundo ang nagsisimula sa kanilang panalangin gamit ang bersyon mula sa Banal na Kasulatan na ipinagkatiwala ni Isaac kay John Cassian. At sa mga araw na ganoon na lamang ang antas ng aking kapayapaan na naririnig ko ang pagtawag sa akin, "umasa ka sa akin", ako rin ay sumasama sa ganitong gawi ng pananalangin, salamat na rin kay John Cassian, kay Isaac at sa kanyang mga kasamang monghe.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056