Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 20 NG 46

Ang Kabanalan at ang Biyaya ng Diyos Kung minsan, mahirap para sa ating magkaroon ng matibay na pagkaunawa patungkol sa kabanalan. Matagal na tayong wala sa templo, na siyang nagbibigay ng matibay na pagpapahiwatig tungkol sa kabanalan ng Diyos. Wala tayong mga naitagong video ng Pagbabagong-anyo, kung saan ipinahayag ni Hesus ang Kaniyang sarili sa mga pinakamalapit niyang alagad. May kakulangan tayo ng mga nahihipong maglalarawan sa atin ng kabanalan. Ganunpaman, posible kaya, na tulad ng mga banal na nauna sa atin, ay maaari rin nating maranasan ang kabanalan? Marahil, higit pa sa ating nauunawaan o maging sa nais nating aminin, ang kabanalan ng Diyos ay nasa paligid lang natin. Kung ito ang pangyayari, napakalawak ng maaaring maging pahiwatig nito. Kung ang kabanalan ay hindi na isang lugar sa Templo o isang banal na arko, ano na nga ba ang kabanalan? Nasaan ang kabanalan? At sino nga ba ang banal?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056