Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 13 NG 46

Pagkakandili Hindi na lihim na pinapahalagahan ng ating kultura ang kakayahang magsarili. Ang kilalang si Lone Ranger ay isang Amerikanong bayani. Ngunit kalauna'y siya rin ay nalulugmok sa kalungkutan. Kahit ang ugaling "kaya ko gawin lahat ng mag-isa" ay nakabaon na sa ating kultura kung kaya't ito na agad ang inakalang dahilang kung bakit hindi nakita ang pag-iisa ni Seung-Hui Cho (ang salarin sa patayan sa Virginia Tech noong 2007) at ang kaniyang matinding kalungkutan na nauwi sa trahedya. Mula pa sa pinakaumpisa ng ating kuwento ng pananampalataya, maaaring may kaugnayan na ang mundo sa kalumbayan ni Adan. Ipinapakita ng paglikha ng Diyos kay Eva para kay Adan at ang pakikialam Niya sa kasaysayan ng mundo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal na ugnayan sa atin, na tayo ay nilikha para magkaroon ng relasyon sa isa't isa. Habang ang pagkakaroon ng relasyon ay hindi nangangailangan ng pagpapasakit ng tulad na pagiging mag-isa, ito naman ay nagbibigay ng pagkakataong mapunan ang ating mga pagkukulang. Sa mga panahong ng kahinaang iyon, nakikita natin ang tibay ng pagkakandili.

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056