Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 4 NG 30

Ang kagalakan ni Jesus ay nasa kaalamang ang bawat kapangyarihan ng Kanyang kalikasan ay kaisa ng sa Kanyang Ama kaya't ginawa Niya ang kalooban ng Kanyang Ama nang may kaluguran. Ang ilan sa atin ay mabagal sa paggawa ng kalooban ng Diyos; ginagawa natin ito na para bang ang ating mga sapatos ay gawa sa bakal at tingga; ginagawa natin ito nang may malakas na pagbubuntong-hininga habang ang ating mga bibig ay nakasimangot, na para bang ang kalooban Niya ang pinakamahirap na bagay dito sa mundo. Ngunit kapag ang ating mga kalooban ay naitama na at nadala natin sa pakikipagkaisa sa Diyos, nagiging kaluguran ito, at nagkakaroon tayo ng nag-uumapaw na kagalakan, sa paggawa ng kalooban ng Diyos.

Kausapin mo ang mga banal tungkol sa paghihirap at titingnan ka nila nang may pagkamangha. "Paghihirap? Anong paghihirap?" Ang paghihirap ay isang bagay na depende sa interpretasyon. Para sa mga banal, ito ay isang nag-uumapaw na kaluguran sa Diyos; hindi kaluguran sa paghihirap, ngunit kung ang kalooban ng Diyos ay hahantong sa paghihirap, may kaluguran sa Kanyang kalooban.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Bakit ba ako mabagal sa paggawa ng kalooban ng Diyos? Anong maling paniniwala ang nagbibigay sa akin ng kaisipang ayaw ng Diyos na maging masaya ako? Kailan ko naranasang malugod sa paggawa ng kalooban ng Diyos?

Ang mga sipi ay mula sa The Moral Foundations of Life, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org