Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Salamat sa Diyos, ang kagalakan ng Panginoon ay isang tunay na karanasan na ngayon, at ito ay higit pa sa anumang karanasang may kamalayan, sapagkat ang kagalakan ng Panginoon ay nagdadala sa atin sa kamalayan ng Diyos, at ang karangalang nakataya sa ating katawan ay ang karangalan ng Diyos. Napagtanto na ba natin na ang Anak ng Diyos ay nabuo sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kahanga-hangang Pagtubos sa Kasalanan? Ito ang kaluwalhatian ng mga banal dito at ngayon—ang kaluwalhatian ng tunay na kabanalang naipapahayag sa tunay na buhay.
Ang Makapangyarihang Diyos ang naging pinakamahina sa Kanyang nilikha, isang Sanggol. Ang isang banal na ganap na ang gulang ay tulad ng isang bata, payak at may kagalakan. Patuloy mong ibuhay ang buhay na nais ng Diyos na isabuhay mo at babata ka sa halip na tatanda. May mararanasan kang kamangha-manghang sigla kapag hinayaan mong ang Diyos ang Siyang masunod sa buhay mo. Kapag ang pakiramdam mo ay parang napakatanda mo na, mabuhay kang muli at gumawa ka pa nang higit sa rito.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: May mga gawi ba akong nagpapanatili sa kabanalan ni Cristo? Sa anu-anong paraan nahuhubog ang Diyos sa akin? Pumapayag ba akong maging mahina upang muling makamit ang kagalakang tulad ng sa isang bata?
Ang mga sipi ay nagmula sa "The Psychology of Redemption", © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob