YouVersion Logo
Search Icon

Ang Kwento ng Naglayas na AnakSample

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

DAY 7 OF 7

Wag ka nang magdalawang-isip — bukas ang puso ni Lord para sa’yo! 💓

Ngayong huling araw na ng ating series, “Ang Kwento ng Naglayas na Anak,” sana’y mas lalo mong nakikita ang puso ng ating Ama sa langit, na lubos ang tuwa kapag may anak na bumabalik sa Kanya. Gaya ng ama sa kwentong ito sa Luke 15, na tuwang-tuwang tumakbo to welcome his long lost son, pinasuotan pa ito ng bagong damit, singsing, at sandalyas, at nagdaos pa ng malaking selebrasyon.

Ito ang paulit-ulit na ipinapakita in Luke 15 of the Bible. Puwede mong basahin ito at makikita mo dito ang dalawang kuwentong may katulad na tema, ang tungkol sa nawawalang tupa at ang istorya ng nawawalang salapi. Sa dalawang kuwentong ito —sa isang daang tupa, may isang nawawala; at sa sampung salaping pilak, may isa ring nawawala. And the owner does everything possible to find that missing one.

Kaya ngayong araw, ito ang gusto naming basahin nating Bible verse:

Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa sa siyamnapuʼt siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi. (Lucas 15:7 ASND)

Baka katulad ka ng naglayas na anak na ngayo’y nagsisisi na, pero sa isip mo, “tanggapin pa kaya ako ng Panginoon?” Ang dami naman Niyang anak na mas matuwid pa sa akin. Pero ano ba ang nakasulat dito? Mas malaki pala ang kasiyahan sa langit sa isang makasalanang nagsisi compared to 99 persons who don’t need to repent. Allow this into your heart, at tanggapin mo ang pagmamahal ng Ama mo sa langit.

Puwede mong dasalin ito, “Lord, nagsisisi ako sa mga nagawa kong masama. Gusto kong bumalik sa Iyo. Turuan Mo akong maglakad sa daan Mo. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Scripture